"You don't need to do it, Tatiana. Hindi mo kailangang sundin lahat ng mga sinasabi sa 'yo ng Mama mo. Duh!" Umirap ito at maarteng hinawi ang buhok niya patungo sa likuran niya.Napairap din ako dahil sa kaartehan niya. Muli kong tiningnan ang huling text ni Mama. Nais nitong tumungo ako sa hospital ngayon imbes na bukas dahil gising na raw si Althea, bagay na sobrang ipinagpapasalamat ko. Pero hindi ko alam kung kakayanin kong tumungo ngayon doon lalo na't alam ko kung sino pa ang nag hihintay sa akin."Pero kailangan kong puntahan si Thea, Trid. Matagal kong hinintay na magising siya at . . ."Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang makita ko si Jax sa gilid ng mga mata ko, nakatitig sa 'kin habang may hawak na mug."Edi sige, pumunta ka ngayon. Sasamahan kita," pasukong sinabi ni Astrid at inirapan pa ako. "Pero huwag mo 'kong pipigilan sa gagawin ko sa tatay mong 'yan pag nagharap kami niyan."Napaismid ako sa sunod na sinabi ni Astrid. Ang Jax na ito ay nakatitig pa rin s
Last Updated : 2025-12-26 Read more