"Ako si Knoxx Xavier Vitale. Pleasure to meet you, again this time." Inilahad nito ang kamay sa kanya. The formality is really outgiving. Tinampal niya ang kamay ng lalaki. Wala siyang oras upang makipagkilala rito. Umismid ito saka tiningnan ang kamay na tinabing niya't hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Ganyan mo ba tratuhin ang mga bisita mo?""Hindi kita bisita. Kusa kang pumasok rito kahit hindi ko inaalok!" Angil niya. Itinuro niya ang pintuan. "Lumabas ka, kung ayaw mong tatawag ako ng mga security guard!"Ngunit hindi ito natinag. Ang gago ay komportable pang naupo sa sofa habang ang mga mata ay naglalakbay sa bawat sulok ng living room. "Nice apartment. Malinis. Walang alikabok." Komento nito. Si Amanda ay mas lalong nakaramdam nang pressure.This man was really an intruder. Ayaw niya sa mga ganoong tao.Saka nito binalingan siya nang tingin. "Please take a seat. May sasabihin ako. May pag-uusapan tayo.""Tatawag ako ng security—!" He tilted his head. Tila sinasabing nawal
Last Updated : 2025-12-18 Read more