"What do you think of Amanda, by the way, Xavier, bud?" Maya-maya ay naitanong ni Remo. "She's a chick. Maganda ring babae. Tiyak may boyfriend iyon." "Wala." Siguradong sagot ni Xavier. Lumitaw ang mapaglarong ngiti sa mga labi ng mga kaibigan niya. "Paano mo nalamang wala, nakapag-usap ba kayo ukol sa usaping iyon? Aba'y mabilis ka rin, Xavier!" Kantiyaw ni Remo. "I just thought. Wala siyang kasama sa apartment. Mag-isa lamang siya." Sagot niya. "Living together or not, you have to checked it by yourself." Komento naman ni Kevynn. "Baka mamaya, habang nasa kalagitnaaan kayo nang pagpapanggap ay bigla na lamang may sumuntok sa iyo o baka ay barilin ka sa ulo dahil sa selos." "I assumed she never had. Why would she start making her dating app kung mayroon man siyang boyfriend? Kung ako ang boyfriend ng babaeng iyon at malaman kong may dating application siya't tiyak basag ang cellphone niya at burado rin lahat." Pakli ni Xavier. "So, nagbabalak kang maging boyfriend ni Amanda?"
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-10 อ่านเพิ่มเติม