Natapos sila sa agahan. Nagboluntaryo si Amanda sa paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos niyang magawa iyon ay pinuntahan niya si Xavier. Nagbabasa ito ng dyaryo, nakaharap sa nakabukas na teresa. Inangat nito ang paningin sa kanya. "You're quick," komento nito. "I won't be coming at work today. Okupado na ng mga empleyado ko ang work schedule. I am not busy these days." Hindi si Amanda nagpakita nang kahit na anong senyales. Sa halip ay tinanong niya, "saan ka balak mananatili kung ganoon? We're already done from last night meeting your parents." Nilingon siya ni Xavier. "Pinapaalis mo na ako?" "Halata ba?" She countered. Grateful siya na ipinagluto siya nito ng agahan. Subalit kung mananatili pa ito sa unit niya nang ganoon kahaba, para kay Amanda ay hindi na iyon tama. "I don't like having roommate. Ayaw kong—" "I'll stay here whenever I want. Isipin mong kailangan nating magpanggap. Have you checked your account? Naipasa ko na ang bayad early this morning habang tulog ka pa." Na
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-19 อ่านเพิ่มเติม