"Hindi naman," tugon ni Xavier. Walang pagmamayabang ang boses. "Nagustuhan niyo ba ang island hopping?" Maya-maya ay tanong nito na kay Amanda ang direksyon ng mga mata. Tumango si Xyrel, tuwang-tuwa. Si Hanny ay pabalang na ngumiti. Halatang naiilang rin sa ginawa ng kaibigan. Samantalang siya ay tila naputulan ng dila dahil hindi nakapagsalita. "Bago ko nga po pala makalimutan Mister Vitale." Tumikhim si Xyrel. Iminuwestra ang mga kamay sa kanilang dalawa ni Hanny, "ito nga po pala ang mga kaibigan ko, si Amanda at Hanny," pagpapakilala nito. "Magandang balita at may nahanap kang mga kaibigan rito," bigkas ni Xavier. Kay Amanda pa rin ang atensyon. "Bakit 'ho hindi," tugon ni Xyrel na ang buong akala'y siya ang ipinapahiwatig ng lalaki. "Malaki po ang Hotel and Resorts Mister Vitale. Imposibleng wala kang makikitang kaibigan," "I see," sagot ni Xavier
Última atualização : 2026-02-23 Ler mais