Kanina ko pa gustong sabunutan si Rosa habang ngiti-ngiting kumakain. Alam kong sinadya niya ‘yong kanina at bitinin kami ni Rave. Kahit kailan talaga napaka-bitter. Kung wala lang dito ang boyfriend ko, sasapakin ko na ‘to, pero syempre, pa-demure muna tayo at baka pagtawanan pa tayo. “Kain ka marami, Rave,” alok pa niya sa katabi ko, tila nang-aasar. “Baka kailanganin mo ng lakas.” “Baliw,” mahinang sabi ko, pero alam kong narinig niya. “Narinig ko ‘yon,” wika niya. “O ikaw din, Thisa, kumain ka rin ng marami, siguradong kakailanganin mo ng lakas.” Tinalimàn ko siya ng tingin hanggang sa humagalpak ito ng tawa. Kahit si Rave natawa rin sa kanya. “Walang nakakatawa,” pagtataray ko. “Malapit na talaga kitang ingudngod Rosa.” Uminom siya ng tubig bago tumingin sa akin. “Oh bakit? Ano bang ginawa ko?” patay-malisya pa niyang tanong. “Wala naman, ‘di ba, Rave?” baling niya sa lalaki. “Wala naman, Rosa,” si Rave na naiiling habang kumakain. “Wala talaga.” Ngisi-ngisi siyang tumin
Last Updated : 2026-02-23 Read more