Muling pumasok si Rave sa kwarto bitbit ang isang tray ng pagkain. Amoy na amoy ko ang mainit na soup at toasted bread. His expression was calmer now, far from the cold look he had earlier. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya habang naglalakad. Gwapo naman siya, pero napakamisteryoso. "You need to eat," he said softly, putting the tray on the bedside table. "Sabi ni Anika, kailangan mong uminom ng gamot, but you can't do that with an empty stomach." "Kaya ko na, Rave. Salamat," sabi ko at sinubukang abutin ang kutsara, pero nanginig ang kamay ko. Halos matapon ang sabaw kung hindi lang niya mabilis na nahawakan ang kamay ko. "Stop being stubborn, Thisa. You're still shaking," he insisted. Kinuha niya ang kutsara at dahan-dahang hinipan ang sabaw bago itinapat sa labi ko. "Just let me do this. Once you're strong enough, you can do whatever you want." Wala na akong nagawa kundi ang magpasubo sa kanya. In fairness, the soup was good, and the way he looked at me while feeding m
最終更新日 : 2026-02-21 続きを読む