HARPERMagkasunod kaming pumasok ni Dasha sa malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, pero ramdam ko ang bigat ng atmospera. Parang bawat mata ay nakatutok sa akin, sinusuri bawat galaw ko, bawat ngiti ko na pilit kong ipinapakita.Unang bumungad ang mommy ko, si Emma, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa akin. Halata ang tensyon sa mukha niya. Ang step-dad ko, ama ni Dasha, nakaupo sa sofa, malamlam ang mukha at may halong galit. Sa kabilang dulo, nakangiti si Lola, pilit na nagpapagaan ng tensyon, ngunit ramdam ko rin ang pag-aalala niya.“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ni Lola, ngunit agad itong naputol nang singitan ni Emma.“Ma, not now,” malamig ang boses ng mommy ko. Tumayo siya, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Harper, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Oliver?”Natigilan ako. Pilit kong inayos ang mukha ko, pilit na ngumiti, ngunit hindi maikubli ang lungkot sa aking mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina kong sabi. Lumapit ak
Huling Na-update : 2025-12-10 Magbasa pa