Share

Chapter 4

Author: Author Rejj
last update Huling Na-update: 2025-12-10 07:40:37

OLIVER

Nakaupo ako sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak. Ang lamig ng baso sa kamay ko ay parang kaunting ginhawa sa bigat ng isip ko, pero hindi iyon ang nakatuon sa atensyon ko. Ang cellphone ko, nasa kamay, at hindi ko alam kung bakit bigla kong hinanap ang pangalan ni Harper sa social media.

Hindi ko namalayan, nag-click na ako ng “Add Friend.” Saglit akong natigilan, napahawak sa sentido at napalingon sa screen.

‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong ko sa sarili ko, pero bago pa ako makapigil, naroon na rin ang sunod kong hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato niya.

Isa-isa kong tinitingnan ang mga post ng asawa ko, o dapat ay “ex-wife” ko. Mga litrato ni Harper sa Japan, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa niya para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura. Habang pinagmamasdan ko, para bang naririnig ko ang katahimikan ng kanyang mga larawan, isang tahimik na buhay na hindi ko napansin noon.

Halos wala siyang kasama sa mga litrato. Minsan ay si Dasha pero alam kong ang litratong kasama ang kapatid ay nasa Pinas, kadalasan siya lang.

Parang may kirot na tumusok sa dibdib ko. ‘Ganito pala siya namuhay doon… mag-isa?’

Hindi ko napigilang ikumpara sa sarili kong mga gabi, puno ng trabaho, minsan ng kasayahan kasama ang mga kaibigan, ngunit kailanman ay hindi ko naisip kung ano ang ginagawa ni Harper. Ramdam ko ang bigat ng tatlong taong nakalipas, at kung paano ko siya naiwan.

Habang pinapanood ko ang screen, isa-isa kong nilike ang mga posts, kahit pa yong mga isang taon na ang nakalipas. Tila hindi alintana ang ginagawa ko. Ang mahalaga, nakikita ko ngayon ang isang side ni Harper na hindi ko kailanman pinagtuunan ng pansin noon. May sumilay na maliit na ngiti sa labi ko at, sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, may pakiramdam akong unti-unti akong lumalapit sa kung ano ang naiwang damdamin ko para sa kanya.

----

HARPER

May tinatapos akong research para sa isang project sa art school, isang painting series tungkol sa “Isolation.” Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa bintana at halong aroma ng kape sa mesa, ngunit hindi iyon ang nakakaalis sa isip ko.

Ngunit naputol ang atensyon ko nang sunod-sunod ang tunog ng notifications sa cellphone ko. Nilingon ko iyon, at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan.

“Oliver?” bulong ko sa sarili.

Hindi ako makapaniwala. Tatlong taon, halos hindi man lang niya ako pinansin kahit minsan. Ni hindi nag-like sa kahit anong post, ni hindi nag-text. Pero ngayon, nagpadala ng friend request.

Saglit akong natigilan. Pigil ang paghinga habang binubuksan ang notification. Hindi lang friend request, nakita kong halos lahat ng posts ko, mula sa pinakahuli ay nilike ni Oliver. Maging ang mga simpleng larawan ng kape o kaya isang painting draft ay hindi niya pinalampas.

Napahawak ako sa dibdib. May halong gulat at inis. “Ano na naman 'to? Anong trip ng isang 'to?”

Pinilit kong huwag patulan, ibinalik ang tingin sa laptop. Ngunit hindi ako mapakali. Paulit-ulit bumabalik ang pangalan ni Oliver sa isip ko.

Bumuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata. ‘Don’t be affected, Harper. He made his choice. He never wanted you. Don’t let a few likes make you forget that.’

Pero kahit anong pilit kong iwaksi, ramdam ko ang bahagyang pagkalito. Dahil sa unang pagkakataon, lumapit si Oliver kahit sa pamamagitan lang ng mga simpleng notifications.

At iyon ang bagay na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba, o ikagagalit.

Maaga ang araw at malamig pa ang simoy ng hangin sa loob ng subdivision kinabukasan. Nakasuot ako ng earphones habang tumatakbo, sinisikap alisin sa isip ang kung anu-anong bagay, lalo na ang notifications kagabi mula kay Oliver. Pinipilit kong ituon ang sarili sa bawat hakbang, sa tunog ng sapatos ko sa kalsada, at sa musika na umaagos sa tenga ko.

Ngunit isang kamay ang biglang dumapo sa balikat ko. Napahinto ako, mabilis na hinugot ang earphones at humarap.

“Oliver…” mahina kong sambit, may halo ng gulat at inis na emosyon.

Nasa harap ko siya, suot ang gray na jogging pants at itim na dri-fit shirt. Hingal din siya, ramdam ko ang bigat ng presensya niya sa aking paligid. May kakaibang tensyon sa kilos niya, parang nagmamadali pero sinisigurong may kontrol sa sarili.

“Ang aga mo ring nagjo-jogging,” casual niyang bati, pero ramdam ko ang pananaliksik ng tingin niya sa akin. Halos nararamdaman ko ang bawat titig niya na sinusukat ako.

Mabilis kong iniwas ang mga mata at muling nagsimula sa pagtakbo. “Coincidence. Nandito ka rin.”

Sumabay si Oliver, hindi nagpapahuli sa hakbang. Ang tunog ng kanyang yapak ay sinasabay sa akin, parang may rhythm na hindi ko maalis sa isip. “Hindi naman… well, nandito lang talaga ako. Bahay ng pamilya ko nasa kanto lang.”

“I know,” malamig kong tugon. Pinabilis ko pa ang takbo, pero nanatiling malapit si Oliver. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko, hindi agresibo pero hindi rin basta sumusuko.

Sandali naming natahimik, ang tanging ingay ay ang pareho naming paghinga at yapak. Napapailing ako, halatang naiinis. Sa wakas, hindi ko na natiis.

“Can you stop following me?” Tumigil ako at hinarap siya, seryoso ang mga mata. “Ano ba talaga ang gusto mo? Hiwalay na tayo. Pumirma ka. Tapos na 'yon.”

Huminto rin si Oliver, nakapamaywang habang humihinga nang malalim. Halata sa postura niya ang kawalan ng katiyakan sa sarili, parang iniisip niya ang susunod na hakbang. Tila may gustong sabihin pero nahihirapang ilabas. Sa huli, diretso siyang tumingin sa akin, matagal at diretso ang titig.

“Gusto kitang makilala,” mahinang sabi niya, halos parang sarili niya lang ang pinakikinggan.

Natawa ako, pero mapait. “Makilala? After three years of silence, Oliver? Alam mo ba kung ilang gabi akong naghintay na kumustahin mo man lang ako? Ni hindi mo nga alam kung anong klaseng buhay ang meron ako sa Japan.”

“Exactly.” Umusog si Oliver palapit, may bahagyang pagmamakaawa sa tono. Ang mga mata niya ay naglalabas ng damdaming hindi niya kayang itago. “Doon ako nagkamali. Hindi ko tinignan, hindi ko pinansin. Pero kagabi… nakita ko yong mga litrato mo. Mag-isa ka palagi, Harper. Hindi ko alam… hindi ko alam na ganoon pala ang naging buhay mo.”

Napakurap ako, sinubukan panatilihin ang matibay na mukha. “At anong gusto mong mangyari ngayon? Gusto mo bang ibalik ang kasal natin?”

Umiling si Oliver. “Hindi ko hinihingi na bumalik tayo roon. Ang hinihingi ko… simula ngayon, kilalanin naman kita. Kilalanin yong Harper na hindi ko pinansin noon.”

Tahimik na natigilan ako, ramdam ang bigat ng bawat salita. Pero agad kong inalis ang tingin, muling naglakad paalis.

“Too late, Oliver. You lost that chance.”

Pero kahit pa ganoon, hindi ako makapaniwala na ang lalaking iniwan ako sa lamig noon, ngayo’y ito pa ang kusang humahabol.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me Now, Chase Me Later   Chapter 4

    OLIVERNakaupo ako sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak. Ang lamig ng baso sa kamay ko ay parang kaunting ginhawa sa bigat ng isip ko, pero hindi iyon ang nakatuon sa atensyon ko. Ang cellphone ko, nasa kamay, at hindi ko alam kung bakit bigla kong hinanap ang pangalan ni Harper sa social media.Hindi ko namalayan, nag-click na ako ng “Add Friend.” Saglit akong natigilan, napahawak sa sentido at napalingon sa screen.‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong ko sa sarili ko, pero bago pa ako makapigil, naroon na rin ang sunod kong hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato niya.Isa-isa kong tinitingnan ang mga post ng asawa ko, o dapat ay “ex-wife” ko. Mga litrato ni Harper sa Japan, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa niya para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura. Habang pinagmamasdan ko, para bang naririnig ko ang katahimikan ng kanyang mga larawan, isang tahimik na buhay na hindi ko napansin noon.Halos wala siyang kasama sa mg

  • Divorce Me Now, Chase Me Later   Chapter 3

    HARPERMagkasunod kaming pumasok ni Dasha sa malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, pero ramdam ko ang bigat ng atmospera. Parang bawat mata ay nakatutok sa akin, sinusuri bawat galaw ko, bawat ngiti ko na pilit kong ipinapakita.Unang bumungad ang mommy ko, si Emma, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa akin. Halata ang tensyon sa mukha niya. Ang step-dad ko, ama ni Dasha, nakaupo sa sofa, malamlam ang mukha at may halong galit. Sa kabilang dulo, nakangiti si Lola, pilit na nagpapagaan ng tensyon, ngunit ramdam ko rin ang pag-aalala niya.“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ni Lola, ngunit agad itong naputol nang singitan ni Emma.“Ma, not now,” malamig ang boses ng mommy ko. Tumayo siya, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Harper, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Oliver?”Natigilan ako. Pilit kong inayos ang mukha ko, pilit na ngumiti, ngunit hindi maikubli ang lungkot sa aking mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina kong sabi. Lumapit ak

  • Divorce Me Now, Chase Me Later   Chapter 2

    OLIVERNakahawak ako sa sintido ko, sinusubukang ayusin ang gulo sa isip ko. Tahimik ang opisina, ang tanging maririnig ay mga papel na bahagyang gumagalaw sa mesa dahil sa aircon.“You really made your decision, dude.” Umiiling si Travis habang nakatingin sa akin. Kanina pa siya nakaupo sa harap ko, hindi umiimik habang kausap ko si Harper sa Skype.“I don’t have a choice, Trav. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Harper. I suggested na sa Japan muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” sabi ko habang naglalaro ang daliri ko sa gilid ng laptop.Hindi nagustuhan ni Travis ang narinig niya. Kita sa mukha niya ang pagdududa. “Yeah, that’s your life. Pero sana you won’t regret doing this. Tatlong taon kayong kasal ni Harper na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero Oliver…” tumigil siya sandali bago nagpatuloy, “hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”Napatingin ako sa mes

  • Divorce Me Now, Chase Me Later   Chapter 1

    HARPERNagising ako sa malakas na katok sa kwarto ko kaya agad akong bumangon kahit hindi pa ako nakaligo o nakapag-hilamos man lang. Ramdam ko pa ang bigat ng antok sa katawan ko, parang ayaw pang bumitaw ng kama.“Ang aga naman,” reklamo ko habang kinukusot ang mata ko. Halos manikit pa ang mga pilik ko sa puyat.Tulog pa ang diwa ko kaya nang buksan ko ang pintuan, halos hindi ko makita nang maayos ang mukha ng tao sa labas. Ilaw pa lang sa hallway, masakit na sa mata.“Harper! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”Napatigil ako nang marinig ang boses niya. Agad akong naalerto na parang binuhusan ng malamig na tubig.“Dasha? Anong ginagawa mo rito?”Hindi niya ako sinagot agad. Pumasok siya na parang siya ang may-ari ng bahay, bitbit ang energy na hindi ko kayang sabayan sa ganitong oras. Dumiretso siya sa sala at umupo sa couch. Nalilito man ako, sinundan ko siya habang inaayos pa ang gulo ng buhok ko.“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status