Se connecterOLIVER
Nakahawak ako sa sintido ko, sinusubukang ayusin ang gulo sa isip ko. Tahimik ang opisina, ang tanging maririnig ay mga papel na bahagyang gumagalaw sa mesa dahil sa aircon.
“You really made your decision, dude.” Umiiling si Travis habang nakatingin sa akin. Kanina pa siya nakaupo sa harap ko, hindi umiimik habang kausap ko si Harper sa Skype.
“I don’t have a choice, Trav. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Harper. I suggested na sa Japan muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” sabi ko habang naglalaro ang daliri ko sa gilid ng laptop.
Hindi nagustuhan ni Travis ang narinig niya. Kita sa mukha niya ang pagdududa. “Yeah, that’s your life. Pero sana you won’t regret doing this. Tatlong taon kayong kasal ni Harper na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero Oliver…” tumigil siya sandali bago nagpatuloy, “hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”
Napatingin ako sa mesa. Alam kong si Armea ang tinutukoy niya. Apat na taon na kaming hiwalay pero paminsan minsan, binubuksan ko pa rin ang social media niya na parang umaasa pa ako sa wala.
“Anyway, I need to go. Balitaan mo na lang ako kung may kailangan ka.” Tumayo si Travis, tinapik ang balikat ko, saka umalis.
Naiwan akong mag isa sa opisina. Umikot ang swivel chair ko nang bahagya habang nakahawak pa rin ako sa sintido ko, hinihintay na sana gumaan kahit konti ang bigat ng desisyong ginawa ko.
----
HARPER
Mabilis nakapag-book si Dasha ng ticket pauwi ng Pilipinas. Ayaw niya sana dahil alam niyang hindi maganda ang araw ko, pero siya na mismo ang nagdesisyon na ngayon na lang. Gusto na rin niyang matapos ang lahat. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, parang ang bigat ng hininga ko sa sobrang iniisip.
"Nandyan na ang Grab car," sabi ni Dasha habang bitbit ang maleta ko. Nakatingin siya sa akin, halatang nag-aalala pero pinipilit maging matatag.
Tahimik lang ako sa loob ng kotse. Tinitigan ko ang bintana, nakakita ng mga pamilyar na gusali at kalsada pero parang hindi ko talaga ito napapansin. Parang wala ako sa sarili. Gusto sanang magsalita ni Dasha pero hindi siya makasingit sa bigat ng nararamdaman ko.
"You can talk now," basag ko sa katahimikan. "Ask anything or sabihin mo na lang kung ano talaga ang sinabi nila Mommy."
Huminga nang malalim si Dasha. "Well, pinapunta talaga nila ako para pauwiin ka. Kasi tapos na ang semester mo. Miss ka na nila. Pero hindi ko alam na iyon ang laman ng envelope. Kung alam ko lang."
"Wala kang kasalanan, Dash. Ayos lang," mahina kong tugon. Hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya, at sa kabila ng emosyon niya, parang may lakas akong hinahanap sa kanya.
Pagkarating namin sa airport ng Pilipinas, mabilis siyang kumuha ng porter. Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko. Ramdam ko ang init ng kanyang pagkakaalalay, parang may pahiwatig na hindi ako nag-iisa sa bigat ng nararamdaman ko.
"May problema ba?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Iyong mga gamit nasa kotse na. Pero hindi pa alam nila Mom na umuwi ka. I told the driver not to tell them. Kaya ngayon, may pupuntahan muna tayo."
Napakunot ang noo ko. "Saan naman? Hindi ba dapat pumunta muna ako kay Oliver para pumirma."
"Makakapaghintay ang lalaking iyon. Ate, please. Sumunod ka na lang. I know you're hurting, but trust me, this will help you."
Napahinto ako nang marinig ang salitang hurting. Sa totoo lang, hindi ko alam kung nasaktan ba ako o na-insulto lang. Tatlong taon kaming kasal pero wala kaming kahit isang alaala na mag-asawa talaga kami. Ang bawat araw sa Japan ay puno ng pangungulila, pagkabagot, at pakiramdam na iniwan.
"Nakita mo naman ang usapan namin. Hindi niya ako mahal, at hindi ko rin siya mahal. So I won't say I'm broken. Maybe I just feel insulted."
Tumango si Dasha, parang naintindihan niya ako. Ang mata niya ay puno ng concern, at ramdam ko na kahit may lungkot ako, hindi ako nag-iisa.
"Then all the more reason for this. Hindi ka pwedeng makita ng pamilya natin at lalo na ni Oliver na ganyan ka. You need a makeover."
"Makeover?" napailing ako. "Hindi ba maayos na itong hitsura ko?"
"Hmmm, pwede na. Pero hindi pwedeng pwede na. Let's go."
Dumiretso kami sa isang high-end salon. Pagkapasok namin, sinalubong kami ng receptionist na may malinis at maayos na aura sa paligid. Ang bango ng salon at mahinang musika ay may kakaibang nakaka-relax na pakiramdam.
"Good afternoon, Ma'am. What service would you like?"
"Full makeover for her," sagot agad ni Dasha habang itinuturo ako. Ramdam ko ang determinasyon niya, parang hindi siya titigil hangga't hindi ako handa sa darating.
Nagulat ako. "Full makeover? Dash, hindi naman ako artista."
"But you're about to face the man who disrespected you. You need to look like the woman he lost," bulong niya.
Inasikaso agad ako ng mga staff. Nilagyan ng treatment ang buhok ko, ginupitan, inayos. Ayos ang kilay, light makeup lang. Habang nakaupo ako, tumingin ako sa salamin. Ang sarili ko na nakikita ko ay mas matapang, mas matatag, at may kakaibang presensya. Parang may bagong enerhiya na pumapaligid sa akin.
"Beautiful," bulong ng stylist. "You should smile more."
Napangiti ako kahit kaunti, at ramdam ko ang maliit na kumpiyansa na bumabalik sa akin.
Pagkatapos sa salon, hinila ako ni Dasha sa isang sikat na mall. Ang liwanag sa paligid at tao sa paligid ay parang maliit na distraction sa kung gaano ako kabigat sa loob.
"Clothes time."
"Dash, sobra na yata."
"Nope. You need this. At saka, ngayon lang ulit tayo nagsama. Nasa Pinas ka na. Hindi ka na mag-isa. Alam ko naman na wala kang masyadong kasama sa mga ganito sa Japan."
Totoo iyon. Mag-isa ako sa loob ng dalawang taon. Wala akong allowance kahit kasal na kami ni Oliver dahil hindi kami nag-uusap. Dalawang trabaho ang pinasukan ko habang nag-aaral. Ang bigat ng nakaraan ay bumabalik habang pumipili ako ng damit.
Pinagpilian ko ang ilang dress sa boutique. White, black, at corporate style pero classy. Pinili ko ang corporate. Ramdam ko na ang desisyon ko ay simbolo ng bago kong lakas.
"Why that one?" tanong ni Dasha.
"Because I'm not going to him as a broken wife. I'm going there as someone who deserves respect."
Natuwa siya. "That's my girl."
Bitbit namin ang ilang paper bags pagkatapos, pati heels at bag na bagay sa bago kong itsura. Ang mga bagong gamit ay parang kasabay ng pagbabago sa loob ko.
Kinabukasan, maaga kaming nag-check out at dumiretso sa opisina ni Oliver. Ramdam ko ang kaba sa bawat paglapit namin sa building. Tumibok ang puso ko, pero kailangan kong maging matatag.
"Are you ready?" tanong ni Dasha.
Huminga ako nang malalim. "I have to be."
Pagpasok namin, napalingon agad ang receptionist. Ang paligid ay tahimik, maliban sa malumanay na tunog ng aircon.
"Good morning, Ma'am. Do you have an appointment?"
"Yes. Tell Oliver... tell my husband that I'm here," sagot ko nang matatag. Ramdam ko ang init ng dugo sa mukha ko, pero hindi ako magpapakita ng panghihina.
Nanlaki ang mata ng receptionist. Ilang minuto lang, bumukas ang pintuan. Lumabas si Oliver, hawak ang folder. Nang makita niya ako, natigilan siya. Parang hindi niya ako makilala. Elegante ang ayos ko, confident ang tindig, at may kakaibang liwanag sa mga mata. Hindi ako ang Harper na iniwan niya sa Singapore.
"Harper..." mahina niyang sabi.
"I'm here for the annulment paper." Diretso ang boses ko.
Nakatitig lang siya, para bang nawalan ng direksyon.
"What? Hindi mo ba narinig ang sabi ng ate?" sabat ni Dasha sa gilid.
Bumaling ako sa kapatid ko. "Please wait for me in the car. I need to talk to my husband."
Umalis si Dasha.
Pumasok ako sa opisina ni Oliver at umupo sa harap ng mesa niya. Kinuha niya ang folder at binuksan. Ang amoy ng opisina ay seryoso, puno ng dokumento at papel.
"It's all prepared. You just need to sign."
Kinuha ko ang ballpen. Bago ako pumirma, tiningnan ko siya. Ang titig niya ay halo ng pagkabigla at hiwaga.
"Three years, Oliver. Three years akong naghintay kahit wala kang paramdam. And this is what you wanted all along?"
Tumingin siya sa akin, tila nahihirapan. "Yes. I told you, Harper. This is for the best."
"Best for you," mabilis kong sagot. "Never for me."
Hindi siya makatingin.
"Don't worry. I won't beg. I won't even ask why anymore. But remember this, Oliver. The woman you see right now is the wife you never tried to love. And the same woman who will walk out of your life with dignity."
Pinirmahan ko ang papel. Sa bawat stroke, ramdam kong unti unti akong napapalaya. Ang tension sa dibdib ko ay unti unti ring nawawala.
Isinara ko ang folder at itinulak sa kanya. Tumayo ako. "Goodbye, Oliver."
Tahimik lang siya. Para siyang hindi makapaniwala sa presensya ko ngayon.
Lumabas ako ng opisina, pero ilang sandali, hinabol niya ako. Hinawakan niya ang braso ko.
"May sasabihin ka pa ba?" malamig kong tanong.
"We need to see our parents bago ma finalize ang annulment. You're coming with me to them... today."
OLIVERNakaupo ako sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak. Ang lamig ng baso sa kamay ko ay parang kaunting ginhawa sa bigat ng isip ko, pero hindi iyon ang nakatuon sa atensyon ko. Ang cellphone ko, nasa kamay, at hindi ko alam kung bakit bigla kong hinanap ang pangalan ni Harper sa social media.Hindi ko namalayan, nag-click na ako ng “Add Friend.” Saglit akong natigilan, napahawak sa sentido at napalingon sa screen.‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong ko sa sarili ko, pero bago pa ako makapigil, naroon na rin ang sunod kong hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato niya.Isa-isa kong tinitingnan ang mga post ng asawa ko, o dapat ay “ex-wife” ko. Mga litrato ni Harper sa Japan, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa niya para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura. Habang pinagmamasdan ko, para bang naririnig ko ang katahimikan ng kanyang mga larawan, isang tahimik na buhay na hindi ko napansin noon.Halos wala siyang kasama sa mg
HARPERMagkasunod kaming pumasok ni Dasha sa malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, pero ramdam ko ang bigat ng atmospera. Parang bawat mata ay nakatutok sa akin, sinusuri bawat galaw ko, bawat ngiti ko na pilit kong ipinapakita.Unang bumungad ang mommy ko, si Emma, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa akin. Halata ang tensyon sa mukha niya. Ang step-dad ko, ama ni Dasha, nakaupo sa sofa, malamlam ang mukha at may halong galit. Sa kabilang dulo, nakangiti si Lola, pilit na nagpapagaan ng tensyon, ngunit ramdam ko rin ang pag-aalala niya.“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ni Lola, ngunit agad itong naputol nang singitan ni Emma.“Ma, not now,” malamig ang boses ng mommy ko. Tumayo siya, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Harper, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Oliver?”Natigilan ako. Pilit kong inayos ang mukha ko, pilit na ngumiti, ngunit hindi maikubli ang lungkot sa aking mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina kong sabi. Lumapit ak
OLIVERNakahawak ako sa sintido ko, sinusubukang ayusin ang gulo sa isip ko. Tahimik ang opisina, ang tanging maririnig ay mga papel na bahagyang gumagalaw sa mesa dahil sa aircon.“You really made your decision, dude.” Umiiling si Travis habang nakatingin sa akin. Kanina pa siya nakaupo sa harap ko, hindi umiimik habang kausap ko si Harper sa Skype.“I don’t have a choice, Trav. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Harper. I suggested na sa Japan muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” sabi ko habang naglalaro ang daliri ko sa gilid ng laptop.Hindi nagustuhan ni Travis ang narinig niya. Kita sa mukha niya ang pagdududa. “Yeah, that’s your life. Pero sana you won’t regret doing this. Tatlong taon kayong kasal ni Harper na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero Oliver…” tumigil siya sandali bago nagpatuloy, “hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”Napatingin ako sa mes
HARPERNagising ako sa malakas na katok sa kwarto ko kaya agad akong bumangon kahit hindi pa ako nakaligo o nakapag-hilamos man lang. Ramdam ko pa ang bigat ng antok sa katawan ko, parang ayaw pang bumitaw ng kama.“Ang aga naman,” reklamo ko habang kinukusot ang mata ko. Halos manikit pa ang mga pilik ko sa puyat.Tulog pa ang diwa ko kaya nang buksan ko ang pintuan, halos hindi ko makita nang maayos ang mukha ng tao sa labas. Ilaw pa lang sa hallway, masakit na sa mata.“Harper! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”Napatigil ako nang marinig ang boses niya. Agad akong naalerto na parang binuhusan ng malamig na tubig.“Dasha? Anong ginagawa mo rito?”Hindi niya ako sinagot agad. Pumasok siya na parang siya ang may-ari ng bahay, bitbit ang energy na hindi ko kayang sabayan sa ganitong oras. Dumiretso siya sa sala at umupo sa couch. Nalilito man ako, sinundan ko siya habang inaayos pa ang gulo ng buhok ko.“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pin







