Share

Chapter 3

Author: Author Rejj
last update Huling Na-update: 2025-12-10 07:28:31

HARPER

Magkasunod kaming pumasok ni Dasha sa malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, pero ramdam ko ang bigat ng atmospera. Parang bawat mata ay nakatutok sa akin, sinusuri bawat galaw ko, bawat ngiti ko na pilit kong ipinapakita.

Unang bumungad ang mommy ko, si Emma, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa akin. Halata ang tensyon sa mukha niya. Ang step-dad ko, ama ni Dasha, nakaupo sa sofa, malamlam ang mukha at may halong galit. Sa kabilang dulo, nakangiti si Lola, pilit na nagpapagaan ng tensyon, ngunit ramdam ko rin ang pag-aalala niya.

“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ni Lola, ngunit agad itong naputol nang singitan ni Emma.

“Ma, not now,” malamig ang boses ng mommy ko. Tumayo siya, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Harper, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Oliver?”

Natigilan ako. Pilit kong inayos ang mukha ko, pilit na ngumiti, ngunit hindi maikubli ang lungkot sa aking mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina kong sabi. Lumapit ako at isa-isang niyakap ang pamilya, pero malamig ang pagtanggap ni Emma at ng step-dad ko. Sa huli, dumiretso ako kay Lola at niyakap siya nang mahigpit. “I miss you, Lola,” bulong ko, ramdam ang init ng pagmamahal na matagal ko nang hindi nadama.

Ngunit hindi doon natapos ang tensyon.

“Ano bang iniisip mo, Harper?” singhal ng step-dad ko, medyo malakas ang boses, halatang nagagalit. “Alam mo bang kahihiyan ‘to? Dalawang pamilya ang nagkasundo, tapos basta ka na lang pumirma?!”

Napakagat-labi ako. Huminga ako nang malalim. “I had no choice,” mahinahon kong sagot. “Ayoko nang ipilit kung wala naman talaga. Hindi ko kayang mabuhay sa kasal na walang koneksyon. Mom, Tito… in the first place alam niyo rin na hindi namin gusto ang isa’t isa. Si Oliver ang unang nag-desisyon. Siya ang nagpadala sa akin ng request sa pamamagitan ni Dasha.”

“Choice ‘yan, Harper!” dagdag ni Emma, halos nanginginig ang boses sa galit. “Pinilit ka naming maging matatag dahil alam naming matututo rin si Oliver. Pero ikaw rin mismo ang sumuko!”

Napatitig ako, halatang nasasaktan sa mga salita. “Ma, tatlong taon akong naghintay. Tatlong taon akong umaasa. Hindi ako sumuko nang walang laban. Kagaya ng sinabi niyo sa akin na tiisin ko at magiging maayos din ang koneksyon namin kahit na magkalayo kami. Pero kung wala na talaga, bakit pa ako magpapakapagod?”

Saglit na katahimikan ang bumalot sa silid. Nilingon ko si Dasha, tila may hinala. “Wait… paano niyo nalaman? Hindi pa naman ako nagsasabi.”

Nag-iba ang mukha ni Dasha, halatang nagulat. Napakuyom niya ang kamay at hindi makatingin sa akin. “I… I’m sorry,” mahina niyang sabi.

“Dasha?” nanlaki ang mga mata ko. “Ikaw ba nagsabi?”

Napailing siya, pilit na umiwas ng tingin. “They forced me. Ayokong magsinungaling sa kanila. Tinawagan nila ako, paulit-ulit. Kung hindi ako sumagot, baka isipin nilang may tinatago ako. I didn’t mean to betray you.”

Napatayo ako, nanginginig sa emosyon. “Kaya pala tinanong mo ako sa kotse… kunyari gusto mong makasiguro kung handa na akong magsabi. Pero alam na pala nila lahat.”

“Please don’t be mad,” pakiusap ni Dasha, halos naiiyak.

Ngunit ramdam ko ang sakit, hindi lang sa ginawa ni Oliver kundi pati sa mismong pamilya ko. “Mas mabuti pa pala na nasa Japan ako, walang ganitong bungad. Bakit sa akin lang kayo nagagalit sa sitwasyon na ito? Si Oliver ang nag-desisyon, siya ang kausapin niyo.” Giit ko.

Biglang nagsalita si Lola, malumanay ngunit matatag. “Tama na, Emma. Tama na rin kayo.” Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Anak, kahit anong sabihin nila, hindi kahihiyan ang magpalaya ng sarili mula sa kasal na walang pagmamahal. Mas malaking kasalanan ang manatili roon.”

Unti-unting bumagsak ang luha ko. “Lola…” bulong ko.

Sa likod ng yakap ni Lola, ramdam kong lalong tumitindi ang agwat sa pagitan ko at ng mommy ko at sa kinilalang ama.

Isang linggo ang lumipas mula nang dumating ako. Nanatili muna ako sa mansyon kasama ng pamilya dahil bakasyon pa ako at wala pa akong balak bumalik sa Japan. Tahimik lang ako sa panahong iyon, halos walang ganang sumagot sa mga tanong ni Emma at ng step-dad ko. Si Lola lang ang palaging kumakampi sa akin at si Dasha na pilit pinapagaan ang loob ko.

Ngunit ngayong araw, hindi ko inaasahan na haharap ako sa isa pang pagsubok.

Maaga akong bumaba mula sa silid ko at nagtungo sa hardin upang uminom ng kape. Ang hangin ay bahagyang malamig at sariwa, tumama sa balat ko at nakatulong para mag-isip nang malinaw. Habang naglalakad pabalik sa sala, narinig ko ang boses ng mommy ko.

“Oliver, thank you for coming. Mabuti at pinaunlakan mo kami.”

Halos matigilan ako sa narinig. Mabilis akong bumaling, at doon ko siya nakita. Si Oliver ay kakapasok lamang ng bahay, suot ang simpleng polo at dark jeans. Maayos ang tindig niya at kahit hindi nakangiti, ramdam ko ang presensyang palaging tumatagos sa akin. Ang kanyang mata ay matalim, tila sinusuri ang bawat kilos ko.

Parang tumigil ang oras sa sandaling nagtagpo ang aming mga mata.

“Oliver?” mahina ang tinig ko, halatang gulat.

----

OLIVER

Nag-iba ang ekspresyon ko, tila hindi rin ako handa na makita si Harper roon. Hindi ko agad masabi ang kahit ano, tanging pagtitig lang ang nagawa ko. Habang nakatitig ako kay Harper, ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Hindi ko maiwasang mapansin ang malaking pagbabago sa kanya. Mas lalo siyang gumanda, ang gupit ng buhok, ang ayos ng pananamit, at higit sa lahat, ang dignidad sa kanyang mga mata. Dalawang taon na kaming kasal ngunit parang estranghero ang turingan namin. Ngayon, pakiramdam ko, para bang ibang tao ang nasa harap ko. Tila ngayon ko lang napapansin ang kagandahan niya kumpara noong araw na kinasal kami.

“Hindi ko alam na… nandito ka pa,” sa wakas ay nasabi ko, medyo paos ang boses, ramdam ko ang bahagyang nanginginig nito.

“Neither do I,” malamig ang tugon niya, ibinalik ang tingin sa ibang direksyon. “Akala ko hindi na tayo magkikita pagkatapos ng annulment papers.”

Ramdam ko ang bigat ng kanyang mga salita at ang alon ng emosyon na hindi niya ipinapakita sa labas. Totoo, matapos naming pumirma, inisip ko iyon na ang huli. Pero ngayon, habang nakikita ko siya muli, may kung anong gumugulo sa akin na hindi ko matukoy.

Lumapit ang mommy niya, nakangiting pilit. “Harper, gusto naming ayusin ito. Kahit papaano, baka pwede niyo pang pag-usapan.”

Natawa siya, mapait. “Pag-usapan? Ma, everything’s already signed. Ano pang dapat naming ayusin?”

“I still believe this marriage can work,” singit ng step-dad niya, seryoso ang tono.

Nag-angat ng kilay si Harper, hindi makapaniwala. “Work? Three years na kaming kasal, Carlito. Two years na wala. Ni minsan, hindi kami nagsama nang totoo. That should be enough proof.”

Tahimik ako, nakamasid lang, ngunit ramdam ko ang hapdi sa bawat salitang binitawan niya. Totoo ang lahat ng sinabi ni Harper, hindi ko siya minahal noon. Pinili kong umiwas. Pero ngayong kaharap ko ulit siya, bakit parang iba ang nararamdaman ko, tila nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

Huminga nang malalim si Harper at tiningnan ako ng diretso. “Oliver, let’s make this clear. I’m not mad anymore. Pero please, huwag na tayong ipilit pa sa isa’t isa. We’re better off free. Ikaw na rin naman ang nag-desisyon no’n.”

Hindi nakapagsalita ako. Tanging pagtitig lang muli sa kanya. Mahaba, puno ng mga bagay na hindi ko masabi. Sa loob-loob ko, nagtatanong kung bakit ngayon pa ko nakikita ang ganda ni Harper, kung kailan huli na ang lahat.

“Ah…Tita, Carlito…I’m sorry, may lakad pa pala ako. Babalik na lang ako rito kapag libre na ulit ako…” mabilis kong sabi at nagmamadaling umalis sa mansyon pagkatapos magpaalam. Tinawag pa ako ni Emma ngunit hindi na ako lumingon pa.

Tinignan ako ni Emma, may galit sa mata niya. “I told you to talk to him, pero anong ginawa mo. Napaalis mo siya…God, Harper!” galit niyang sabi at saka pumasok sa loob ng bahay.

Naiwan si Carlito, tumingin siya kay Harper at tinapik ang balikat niya. “I’ll talk to your Mom. But, Harper. She’s right, you and Oliver should talk and try to fix what’s broken,” dagdag niya at pagkatapos ay sumunod sa asawa.

‘Fix what's broken.’ naisip ko ang sinabi niya.

“Bakit aayusin? Simula pa lang ay sira na…” mahina niyang banggit.

Nang tuloyang nakaalis si Harper, nasa loob na ako ng kotse ko. Mahigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi ako agad nagpaandar, nanatili lang akong nakatingin sa diretsong kalsada, pakiramdam ko ba’y pinipilit kong ayusin ang isip ko bago harapin ang sarili ko.

Bumalik-balik sa isip ko ang imahe ni Harper, ang malamig niyang tingin, ang mapait na ngiti, at ang mga salitang binitawan niya.

‘We’re better off free.’

Pumikit ako, pinisil ang sintido ko na parang tinataboy ang bigat na nakadagan sa akin. Ramdam ko ang kirot sa dibdib, kakaiba sa lahat ng naramdaman ko noon.

“Why now?” bulong ko sa sarili. “Bakit ngayon ko lang siya nakikita ng ganito?”

Tatlong taon kaming kasal. Dalawang taon na hindi ko sineryoso ang koneksyon namin. Sa halip, tumakbo ako palayo, itinulak si Harper sa malayo, iniwan siya sa Japan, para hindi maramdaman ang bigat ng responsibilidad na hindi ko kailanman ginusto.

Naalala ko pa noong araw ng kasal namin. Malamig ang damdamin ko. Hindi ko man lang tinignan si Harper sa mata habang binibigkas ang sumpa. Sa isip ko noon, isa lamang iyong kasunduan, isang obligasyon.

Pero ngayong nakita ko si Harper muli…ibang Harper. Matapang, may tindig, at higit sa lahat, may kagandahang hindi ko binigyang pansin noon.

‘She’s changed… or maybe, I just refused to see her before.’

Napahawak ako sa dibdib ko, doon mismo sa tapat ng puso. May kakaibang kirot na ngayon lang naramdaman. Hindi ito galit, hindi rin guilt lang. Mas malalim. Parang may nawawala na noon pa man, at ngayon lang ako nagising para mapansin iyon.

Naalala ko ang sinabi ng pinsan kong si Travis isang linggo na ang nakakalipas. “I hope you won’t regret this? Hindi habang buhay aantayin mo yong taong iniwan ka nang walang dahilan.”

Kaya hanggang sa makauwi ako sa condo ko, hindi mawala sa isipan ko si Harper.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me Now, Chase Me Later   Chapter 4

    OLIVERNakaupo ako sa harap ng computer, hawak ang baso ng alak. Ang lamig ng baso sa kamay ko ay parang kaunting ginhawa sa bigat ng isip ko, pero hindi iyon ang nakatuon sa atensyon ko. Ang cellphone ko, nasa kamay, at hindi ko alam kung bakit bigla kong hinanap ang pangalan ni Harper sa social media.Hindi ko namalayan, nag-click na ako ng “Add Friend.” Saglit akong natigilan, napahawak sa sentido at napalingon sa screen.‘Bakit ko ba ginawa ‘yon?’ tanong ko sa sarili ko, pero bago pa ako makapigil, naroon na rin ang sunod kong hakbang, ang pag-scroll sa mga litrato niya.Isa-isa kong tinitingnan ang mga post ng asawa ko, o dapat ay “ex-wife” ko. Mga litrato ni Harper sa Japan, sa mga café na mag-isa lang siya, sa mga painting na ginagawa niya para sa art school, sa mga lugar na tila kay ganda pero malamig ang aura. Habang pinagmamasdan ko, para bang naririnig ko ang katahimikan ng kanyang mga larawan, isang tahimik na buhay na hindi ko napansin noon.Halos wala siyang kasama sa mg

  • Divorce Me Now, Chase Me Later   Chapter 3

    HARPERMagkasunod kaming pumasok ni Dasha sa malaking sala. Malinis at maaliwalas ang mansyon, pero ramdam ko ang bigat ng atmospera. Parang bawat mata ay nakatutok sa akin, sinusuri bawat galaw ko, bawat ngiti ko na pilit kong ipinapakita.Unang bumungad ang mommy ko, si Emma, seryosong nakapamewang at nakatingin nang diretso sa akin. Halata ang tensyon sa mukha niya. Ang step-dad ko, ama ni Dasha, nakaupo sa sofa, malamlam ang mukha at may halong galit. Sa kabilang dulo, nakangiti si Lola, pilit na nagpapagaan ng tensyon, ngunit ramdam ko rin ang pag-aalala niya.“Nandito na ang mga apo ko—” masiglang bati ni Lola, ngunit agad itong naputol nang singitan ni Emma.“Ma, not now,” malamig ang boses ng mommy ko. Tumayo siya, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Harper, bakit ka pumayag na makipaghiwalay kay Oliver?”Natigilan ako. Pilit kong inayos ang mukha ko, pilit na ngumiti, ngunit hindi maikubli ang lungkot sa aking mga mata. “Welcome home to me, Ma,” mahina kong sabi. Lumapit ak

  • Divorce Me Now, Chase Me Later   Chapter 2

    OLIVERNakahawak ako sa sintido ko, sinusubukang ayusin ang gulo sa isip ko. Tahimik ang opisina, ang tanging maririnig ay mga papel na bahagyang gumagalaw sa mesa dahil sa aircon.“You really made your decision, dude.” Umiiling si Travis habang nakatingin sa akin. Kanina pa siya nakaupo sa harap ko, hindi umiimik habang kausap ko si Harper sa Skype.“I don’t have a choice, Trav. Alam mo naman na hindi ko talaga mahal si Harper. I suggested na sa Japan muna siya kasi hindi ko kaya na makasama ang taong hindi ko mahal,” sabi ko habang naglalaro ang daliri ko sa gilid ng laptop.Hindi nagustuhan ni Travis ang narinig niya. Kita sa mukha niya ang pagdududa. “Yeah, that’s your life. Pero sana you won’t regret doing this. Tatlong taon kayong kasal ni Harper na hindi man lang nagsama. Nagsinungaling ka pa sa pamilya niya na nakakausap mo siya. Pero Oliver…” tumigil siya sandali bago nagpatuloy, “hindi habang buhay aantayin mo iyong taong iniwan ka nang walang dahilan.”Napatingin ako sa mes

  • Divorce Me Now, Chase Me Later   Chapter 1

    HARPERNagising ako sa malakas na katok sa kwarto ko kaya agad akong bumangon kahit hindi pa ako nakaligo o nakapag-hilamos man lang. Ramdam ko pa ang bigat ng antok sa katawan ko, parang ayaw pang bumitaw ng kama.“Ang aga naman,” reklamo ko habang kinukusot ang mata ko. Halos manikit pa ang mga pilik ko sa puyat.Tulog pa ang diwa ko kaya nang buksan ko ang pintuan, halos hindi ko makita nang maayos ang mukha ng tao sa labas. Ilaw pa lang sa hallway, masakit na sa mata.“Harper! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”Napatigil ako nang marinig ang boses niya. Agad akong naalerto na parang binuhusan ng malamig na tubig.“Dasha? Anong ginagawa mo rito?”Hindi niya ako sinagot agad. Pumasok siya na parang siya ang may-ari ng bahay, bitbit ang energy na hindi ko kayang sabayan sa ganitong oras. Dumiretso siya sa sala at umupo sa couch. Nalilito man ako, sinundan ko siya habang inaayos pa ang gulo ng buhok ko.“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status