"Tama na ang dula-dulaan!" sigaw ni Aurelius. Sa isang kumpas ng kanyang kamay, sumugod ang mga tauhan ng Iron Phalanx.Nagsimula ang isang madugong labanan sa loob ng mansyon. Si Julian ay nagpaputok mula sa itaas, bawat bala ay tumatama sa mga kaaway, ngunit tila walang katapusan ang mga ito. Si Ryella naman ay bumaba sa hagdanan, sinalubong ang mga asasin gamit ang kanyang bilis at bagsik. Ang bawat saksak niya ay may kasamang poot—poot para sa kanyang ama, para sa kanyang tito, at para sa mundong pilit silang dinudurog.Sa gitna ng kaguluhan, nakapasok si Aurelius sa loob ng silid kung nasaan si Vlady. Ang bata ay nakatayo sa gitna ng silid, hawak ang Black Seal."Vlady," dahan-dahang lumapit si Aurelius. "Ako ang iyong lolo Aurelius. Ang tunay na emperador. Ibigay mo sa akin ang seal, at ipa
Read more