Lumabas si Ryella sa tent at nakita si Vladimir na nakatayo sa dalampasigan, nakatitig sa buwan. Lumapit siya at yumakap mula sa likuran nito. Ramdam niya ang panginginig ng katawan ni Vladimir—hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa pagod at emosyon."Narinig ko ang usapan niyo ni Mateo," panimula ni Vladimir."Hindi ko sinasadyang saktan siya," sabi ni Ryella. "Pero hindi ko na kayang magpanggap, Vlad. Pagod na akong maging mabuting anak sa isang taong puro kasinungalingan ang ibinigay sa akin."Humarap si Vladimir sa kanya. Hinawakan niya ang mga kamay ni Ryella, ang mga kamay na pumatay, nanggamot, at nagmahal. "Ryella, tignan mo tayo. Nakatayo tayo sa isang islang walang nakakaalam, tumatakas sa mga taong dati nating pinamumunuan. Nawala sa atin ang lahat. Ang yaman, ang kapangyarihan, ang pami
Read more