"Hinding-hindi sila titigil, Ryella," sabi ni Vladimir, tumayo siya at niyakap ang asawa. "Dahil ang pamilya natin ay binuo sa pagnanasa. At ang pagnanasa ay walang kabusugan. Pero tandaan mo ito: Ako ang iyong kalasag. Kung kailangang maging Iron King muli para maprotektahan kayo ni Vlady, gagawin ko. Kahit lamunin pa ako ng dilim nang tuluyan."Nang sumapit ang hapon, isang malakas na bagyo ang tumama sa isla. Ang ulan ay tila mga bala na tumatama sa bubong ng kanilang bahay. Sa loob, ang tensyon ay lalong tumitindi. Si Vlady ay nakakulong sa kanyang silid, pilit na kinakalaban ang mga boses sa kanyang ulo.Sina Ryella at Vladimir ay nasa sala, pinalilibutan ng mga kandila dahil nawalan ng kuryente. Sa gitna ng dilim, ang kanilang forbidden love story ay muling nag-alab."Vladimir, natatakot ako," sabi ni Ryella, habang nakasandal sa dibdib ni Vladimir. "Natatakot ako na baka sa huli, ang dugo natin ang manalo sa ating pag-ibig. Na baka si Vlady ay maging katulad nina Constantine at
Read more