[Empire of Vengeance]Ang St. Petersburg ay nagmistulang impiyerno sa gitna ng yelo. Habang humaharurot ang itim na SUV palayo sa nagliliyab na teatro, ang bawat hininga ni Vladimir ay puno ng pait. Sa tabi niya, si Ryella—ang babaeng tila leon kung makipaglaban—ay nakasandal na lang sa bintana, blangko ang tingin, tila isang napakagandang manika na nawalan ng baterya."Ryella, baby... please. Tumingin ka sa akin," bulong ni Vladimir, ang boses ay paos at basag. Hinawakan niya ang kamay nito, pero malamig. Walang higpit. Walang kuryente.Sa loob ng safehouse sa labas ng lungsod, agad na binuhat ni Vladimir si Ryella patungo sa master bedroom. Ang bawat hakbang niya ay puno ng desperasyon. Inilapag niya ang asawa sa kama na gawa sa seda, at doon, sa ilalim ng dim light, mas lalong naging kitang-kita ang ganda ni Ryella na tila nabahiran ng sumpa.Dahil sa epekto ng conditioning, ang katawan ni Ryella ay nananatiling sensitibo, isang reaksyong pisikal na hindi kayang burahin ng memory w
Read more