“Oh, by the way, ang dami ko nang nasabi but I forgot to formally introduce myself to you. I'm Cristopher Ysrael Belo, Tine’s sister and your husband's friend, too,” nakangiti niyang pagpapakilala kasabay ng pagtayo at pag-alok ng kamay niya para sa isang shake hands. Tinitigan ko muna siya, kasunod ay ang kamay niya bago ako tumayo at ngumiti. “Pristenna Raye Zorajero,” pagpapakilala ko at saka inabot ang kamay niya. Natigilan ako ng ma-realize na may nakalimutan ako. “...Ignacio.” Pareho kaming natawa dahil doon, pero napatigil rin kami pareho nang may biglang humablot sa kamay kong nakikipagkamay sa kanya. Agad na nakilala ng ilong ko ang amoy niya. Oh, gosh, sinumbong ba ‘ko nong Chan? “Who told you that you can touch “my wife”?” pagalit niyang tanong kay Christopher. Nakadiin rin ang pagkakasabi niya ng “my wife”, na para bang may umaangking iba sa asawa niya. “Shake hands lang na—” “Don't interrupt, Raye.” Napatikom ako ng bibig dahil sa pagputol niya sa sasabihin ko sana.
Last Updated : 2025-12-29 Read more