Pinakaladkad na ni Mr. Igancio si Mama sa mga security guard para lang umalis ito pero hindi pa rin kumalma si Rye. "Rye, wala na si Mama, hindi siya makakalapit sa 'tin, " pag-aalo ko sa kanya. "A-ate, a-ayoko na...A-ate, i-iniwan niya t-tayo. I-iniwan tayo ni M-mama.” Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya dahil sa sinabi niya. "Shh, andito si Ate, Rye, kahit anong mangyayari, andito si Ate." Kumalas ako sa yakap sa kanya para tingnan siya sa mukha pero mas nag-panic ako nang makita ko ang tumutulong dugo sa ilong niya. "Rye." Dali-daling tumakbo papunta sa ‘min ang doctor at nurse niya at binuhat siya ng lalaki niyang nurse at agad tumakbo. Tatakbo na sana ako pasunod sa kanila nang pigilan ako ni Mr. Ignacio. "You will stay," ma-awtoridad niyang pahayag. "You should stay." Umaling ako. H'wag namang ganito, kapatid ko na ‘yon eh. "Pristenna Raye Igancio!" "S-sorry." Umiyak akong tumakbo papunta sa labas. Kailangan ako ni Rye. Wala akong paki kung naka-gown pa ‘ko, wala
Last Updated : 2025-12-20 Read more