“Raye—” Agad niyang inagaw ang cellphone mula sa kamay ko nang makita akong umiiyak at nanginginig ang kamay habang hawak iyon. “K-kera, k-kasalanan ko ba? M-masama ba ‘ko?” nanginginig na tanong ko sa kanya. Agad siyang umupo sa tabi ko at yinakap ako ng mahigpit.“Syempre hindi, demonyita lang talaga ang Tine na ‘yon. Ang tanda na pero ang immature pa ring mag-isip.”“Kera, sila dapat eh. Wala naman dapat ako kasi—”“Raye naman, ‘wag kang emo. Ampangit ng ugali niya kaya ‘di niya deserve ang asawa mo. Saka mahal ka ng asawa mo, ‘yon sa kanila, simpleng arranged marriage lang yun na ‘di natuloy,” paliwanag niya habang hinahagod ang likod ko.“Hindi niya ‘ko mahal, Kera. Hindi niya naman ako mahal.” Kasi nagpakasal lang kami dahil sa kontrata. Galit siya kay Tine noon kaya gusto niyang gumanti dito gamit ang ibang babae. Ginagamit niya lang ako. Sa huli babalik rin siya kay Tine kasi yun naman talaga ang plano una pa lang.Ang baseless kasi ng mga sinasabi niya. Malamang ‘yan ang tin
Read more