Ang itim na Mercedes ay tahimik na nakaparada sa kanto malapit sa campus. Siguradong nakita ni Theodore ang pagdating ni Mallory dahil bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ito. Habang nakatayo sa ilalim ng ilaw, ang matangkad at payat na pigura niya ay parang nababalutan ng makinang liwanag, at ang mga hubog ng kanyang mukha mula sa gilid ay malinaw na makikita.Mabilis na tumibok ang puso ni Mallory, at hindi niya namalayang bumilis ang lakad niya.Nakatayo na siya harap ni Theodore, tiningnan niya ang lalaki na nakatingala, hindi na niya namalayang tinawag niya ang professor sa malambing na boses, "Professor Leviste..."Ngumiti si Theodore at nagsalita, “Come on, get in the car,” anito at pinagbuksan ng pinto si Mallory. Pumasok silang dalawa sa loob ng sasakyan. Si Theodore pa ang nagsuot ng seatbelt ni Mallory, napatigil ito sandali ng may naalala siya at nagtanong, "Are you hungry?""Hindi..." Bago pa matapos ni Mallory ang sasabihin niy, biglang kumulo ang kanyang tiyan."B
Dernière mise à jour : 2026-01-21 Read More