Ano nga ba ang gagawin mo kapag pagkagising mo mula sa isang one-night stand, bigla mong natuklasang na propesor mo pala sa isa niyong klase? Sa sandaling iyon, ramdam ni Mallory na parang may pumukpok ng martilyo sa ulo niya. Yung tipong hindi na siya makapag-isip, hindi makahinga parang hinihigop palabas ang kaluluwa niya. Ang dami niyang gustong sisihin, sarili niya, ‘yong alak, si Iñigo, o malas lang talaga siya sa buhay. Nakaupo siya upuan niya, blangko ang tingin, pilit inaaninaw kung paano siya napunta sa sitwasyong ’to. Hindi niya alam kung iiyak ba siya, tatalon sa bintana, o babalik na lang sa pagkakatulog at sana panaginip lang lahat. Nang bumaling si Mimi kay Mallory napansin niyang wala sa sarili ang kaibigan. "Lor? Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakain ng tae," salubong ang kilay na tanong ng kaibigan. Kung pwede lang, mas gugustuhin pa ni Mallory na kumain ng tae. "Mi…." nagmamakaawang sabi ni Mallory, "Patayin mo nalang ako. Wala na, ayoko na…" mangiyak ngiya
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-15 อ่านเพิ่มเติม