Para akong binugbog sa pagod. Ang bawat kalamnan ko ay masakit, pinaghalong bigat ng kaba at panghihina dulot ng lahat ng nangyari sa nakalipas na oras. The memories of Ninong, together with Zaphira and their little child, kept flooding back into my mind over and over again. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang kanilang mga ngiti, ang paghawak ni Ninong sa kamay ng bata, at kung paano sila nagmamahalan bilang isang buong pamilya. Para akong sinampal ng maraming beses—matigas at totoo—gumising sa akin ang katotohanan na dapat ko na, kailangan ko nang wakasan kung ano man ang mga bagay na nag-uugnay pa rin sa akin kay Ninong Ethan. Wala na akong puwang sa buhay niya, at panahon na para tanggapin iyon at palayain ang sarili ko mula sa sakit. Masakit man isipin, mas masakit pa ang manatili sa isang lugar kung saan hindi ka na kabilang. Hinayaan kong takpan ng tubig ang aking katawan, tila ba aalisin nito ang lahat ng dumi at bigat na dala ng aking puso. Sandaling katahimikan lang…
閱讀更多