AIRA POVNagising na lang ako nang may maramdaman akong malambot na bagay sa aking likuran—malambot na unan, at ang banayad na amoy ng lavender na nakasanayan ko na sa kwartong ito. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, pakiramdam ko’y mabigat pa ang aking buong katawan, tila ba tumakbo ako ng mahabang distansya kahit walang ginagawa nitong mga nakaraang oras.Sa aking pagmulat, agad na tumama ang aking paningin kay Tita Sally. Nakatayo siya sa gilid ng bintana, ang kanyang likuran ay nakaharap sa akin, ngunit nang lumingon siya ay nakita ko ang kanyang mukha—madilim, punong-puno ng banta, at handang sumugod sa kahit anong laban para sa kung ano man ang ipinaglalaban niya sa isip niya ngayon.Nanginginig nang bahagya ang aking boses nang tawagin ko siya. “Tita…”Sa isang iglap, parang nabura ang lahat ng bigat sa kanyang mukha. Napalitan ito ng maaliwalas na ekspresyon, punong-puno ng pag-aalala habang mabilis siyang lumapit sa kama at umupo sa gilid ko. Kinuha niya ang dalawa
閱讀更多