HABANG nasa hapagkainan sila, napapansin ko ang mayat mayang pagtingin ni Alessandro kay Beckett. At alam kong aware roon si Beckett."Just eat kiddo," sabi ni Beckett.Tiningnan ako ni Alessandro. "Ma, Why is there always a stranger in our house?"Isinubo ko muna ang laman ng kutsara ko bago ko siya sinagot. "Alessandro, Beckett is not a stranger.""For me he is. Isa pa po, bakit Beckett na lang ang tawag mo sa kanya. He's your boss po diba?"Bigla akong nabulunan sa tanong iyon ni Alessandro. Inabutan ako ng tubig ni Beckett kaya agad ko iyong ininom."I'm not your mom's boss anymore. And for your information, this place is mine."Pinanlakihan ko ng mga mata si Beckett dahil pinapatulan pa niya ang pagmamaldito ng anak nila.Sumimangot si Alessandro na tumingin sa akin. "Bakit po natin kailangan na umalis sa bahay, Mama? Balik na po tayo roon. I don't like being in here with him po.""Kailangan nating umalis doon dahin sa importanteng dahilan na hindi ko pa pwedeng masabi sa'yo," pa
Huling Na-update : 2025-12-21 Magbasa pa