Nang kumalat sa mundo ng negosyo ang nakakagulat at biglaang pagpanaw ni Don Alonzo De Hizon, agad itong naging malaking balita sa media at dyaryo. Dumagsa sa burol nito ang mga kaibigan, kilalang personalidad, at mga kaibigang pulitiko nito upang maipahayag ang kanilang pakikiramay.Tumagal nang tatlong araw ang burol, at naging napakahirap at emosyonal na panahon iyon para sa kanilang pamilya, lalo na para kay Alec. Nanatili itong tahimik at hindi halos makausap sa buong panahon ng burol at maging sa libing. Alam niyang si Alec ang pinakaapektado sa pagkamatay ni Don Alonzo, kaya siniguro niyang palagi siyang nasa tabi nito upang damayan at aluin ito. Sina Patty at Jon Carlo naman ang kadalasang humaharap at nakikipag-usap sa mga malalapit na kaibigang nakikiramay sa kanila.Napagpasyahan nilang ipa-cremate ang katawan ni Don Alonzo, at ayon sa abogado ng pamilya, isa iyon sa mga hiling nito. Nakagugulat isipin na naisip pa ng matanda ang bagay na iyon noong nabubuha
閱讀更多