Nagising siya sa paglangitngit ng pinto nang pumasok si Alec sa kanilang silid ng gabing iyon. Agad siyang napatingin sa orasan sa side table at nakita niyang madaling araw na at halos mag-aalas dos na ng umaga. Tila gusto niyang madismaya nang naalala kung gaano katagal niya itong hinintay sa pag-uwi. Nagluto siya ng mga paboritong pagkain nito at umaasa siyang makakapag-dinner silang dalawa nang magkasabay. Tumawag pa nga siya sa office nito at pinakiusapan ang sekretarya nito na paalalahanan ito na may espesyal siyang inihandang hapunan para sa asawa ngayong gabi. To her disappointment, and just like she thought he would do, he never came home early. Alas-onse na ng gabi nang magpasya siyang utusan ang mga katulong na ligpitin ang mesa at itabi na ang mga pagkaing kanyang inihanda. Muli na namang nasaktan ang kanyang puso dahil sa pag-iwas at pagka-insensitive nito. Ilang beses na ba nitong ginagawa iyon? Palagi na lamang siyang pinaghihinta
閱讀更多