If given the chance, could Alec live the simple life she wanted with him? Iwan ang magulong mundong ito at makuntento na lang sa resort nito sa South, sa payapang pamumuhay na malayo sa lahat ng pressure na dala ng De Hizon Empire?Pero alam niyang walang saysay ang mga iniisip niya.Bakit nga ba nito iiwan ang lahat ng ito, kung ipinanganak itong tagapagmana ng buong De Hizon legacy? Para kay Alec, nakatadhana na ang lahat ng kapangyarihan, kayamanan, at responsibilidad na iyon ay para sa kanya lang. He was destined to have it all. “You have such a gorgeous wife, Alexander,” komento ng isang matandang politiko, na kalaunan ay nalaman niyang alkalde pala ng lungsod.“Salamat po, Sir,” magalang na tugon ni Alec. “This is such a wonderful event. My wife is quite fond of arts and paintings, and she seems to be enjoying herself immensely,” dagdag pa ng matanda. “I’m glad to hear that, Sir,” sagot ni Alec sa matanda.
Mehr lesen