ELENA POV Malamig ang hangin na pumapasok sa loob ng military helicopter, pero hindi ko na iyon alintana. Nakasandal ako sa dibdib ni Dante, habang siya naman ay mahigpit na nakayakap sa akin. Sa tapat namin, mahimbing na ang tulog ni Maya, yakap-yakap si Hope na balot na balot ng kumot. Ligtas na sila. Ligtas na kami. Sa kabilang dulo ng chopper, nakita ko si Leo. Nakapustura ang mga kamay niya sa likod, may benda ang balikat, at binabantayan ng dalawang sundalo. Hindi siya tumitingin sa amin. Nakatitig lang siya sa sahig, tila kinakalkula kung saan siya nagkamali. "Dante, 'yung sugat mo," bulong ko habang tinitignan ang bandage sa braso niya na may bahid na naman ng sariwang dugo. "Kailangan nating ipatingin 'yan pagbaba natin." "I'm fine, Elena. Masakit lang nang konti, pero ang mahalaga, kasama ko kayo," sagot ni Dante. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Salamat sa pagtitiwala sa akin, kahit na muntik na tayong mapahamak doon."
Read more