ELENA POV Napatigil ako sa pag-aayos ng kumot ni Hope nang marinig ko ang tanong ni Dante. Parang biglang tumahimik ang buong paligid, kahit pa naririnig ko ang mahinang ugong ng aircon sa suite at ang boses ni Maya na nakikipag-asaran kay Leo sa kabilang kwarto. Tumingin ako kay Dante. Seryoso siya, walang halong biro ang mga mata, pero nandoon ang lamyos na bihira niyang ipakita sa ibang tao. "Dante, bigla-bigla ka naman," bulong ko, ramdam ko ang init na umakyat sa mga pisngi ko. "Nasa ospital pa tayo oh. Amoy disinfectant pa tayo pareho." Natawa siya nang mahina, 'yung tawang galing sa dibdib na nakakapagpagaan ng loob. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at hinila ako nang bahagya palapit sa kanya. "I know. Hindi ito ang pinaka-romantic na lugar. Pero naisip ko lang, sa dami ng nangyari, realization hits me hard. Life is too short para magpatumpik-tumpik pa tayo." "Akala ko ba kasal na tayo?" biro ko pa, pilit na itinatago ang kaba. "May papeles tayo, 'di ba? 'Yun ang gin
Read more