ELENA POV Malamig ang hangin sa labas ng hotel, pero hindi nito kayang pawiin ang init na nananatili sa balat ko. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada sa Makati, walang pakialam sa mga taong palihim na tumitingin sa akin sa ganitong oras ng gabi. Gusot ang dress ko, magulo ang buhok ko, at nananatiling manhid ang mga labi ko, dala ng mga halik na alam kong hindi dapat naging akin. Ramdam ko sa palad ko ang talim ng gintong cufflink ni Dante. Isang ebidensya. Isang nakaw na alaala mula sa lalaking kailanman ay hindi naging akin, kahit tatlong taon kaming legal na mag-asawa. Mabigat ang metal na 'to, halos kasing-bigat ng katotohanang kailangan ko nang talikuran ang lahat. Pagkarating ko sa maliit kong apartment, isang tago na unit na malayo sa marangyang mansyon ng mga Valderama, agad akong pumasok at isinandal ang katawan ko sa pinto. Doon, sa gitna ng katahimikan at dilim, ay tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napaupo ako sa sahig, niyayakap ang mga tuhod
Last Updated : 2025-12-19 Read more