ELENA POV Alas-diyes na ng gabi pero gising na gising pa rin ang lahat sa loob ng villa. Imbes na dagat ang pinapanood namin mula sa malaking bintana, ang mga monitor ni Leo ang nakakuha ng atensyon ng lahat. Ang sala na dati ay tahimik, ngayon ay puno na ng ingay ng mabilis na pagtipa sa keyboard at mahinang pag-uusap nina Dante at Leo sa isang sulok. "Ate, dahan-dahan. Baka mabinat ka," bulong ni Maya habang inaalalayan akong maupo sa bean bag malapit sa pwesto nina Leo. "Kaya ko na, Maya. Hindi naman ako baldado," sagot ko, pero sa totoo lang, ramdam ko pa rin ang kirot sa bawat galaw ko. "Nasaan si Hope?" "Nasa kwarto, binabantayan ni Sofia. Mahimbing ang tulog pagkatapos mong padedehin," sabi ni Maya sabay abot sa akin ng baso ng mainit na gatas. Tumingin ako kina Dante. Seryoso ang mukha niya, ang mga mata ay nakatitig sa code na tumatakbo sa screen. "Leo, sigurado ka bang hindi nila mahahanap ang IP address natin? I don't want any risks." "Boss, relax. Naka-route 't
Read more