CHAPTER 50: Finals Week Pumara agad ako ng taxi paglabas ko na mall. Mabuti nalang talaga at wala akong kaagaw sa mga taxi ngayon di tulad ng dati. Habang nasa loob ako ng taxi panay iyong pagdadasal ko na sana eh mas mauna akong dumating kesa kay Kevin. *ting* Bigla nalang may pumasok na magandang ideya sa utak ko. Agad ko namang inilabas iyong phone ko mula sa bag ko saka ko tinawagan si Kevin. *riing* *riing* (Hello Maybelline? Nagmamaneho ako ngayon pauwi nadin naman ako kaya mamaya nalang.) "Saglit lang Kevin. Huwag mo na munang ibaba." (Ano bang kailangan mo?) "Ano kasi eh, hindi pa ako kumakain. Hindi pa kasi ako nakapagluto dahil nakatulog ako kanina, pwede bang bumili ka nalang ng pgkain natin bago ka umuwi?" (Sige sige. Hintayin mo nalang ako.) Saka ko pinindot iyong end call button. Hoo!! Ang galing ko talagang mag-isip ng palusot. "Kuya pakibilisan naman po." Sabi ko sa driver. ... "Eto na ang bayad Kuya oh." Inabot ko iyong bayad sa driver. La
Terakhir Diperbarui : 2026-02-23 Baca selengkapnya