CHAPTER 33: The Day "Mia, sigurado ka bang hindi natin iimbitahin si Zelle?" Tanong ni Aya sa'kin. Dahil sa sobrang pagka excite nilang dalawa ni May pinagpilitan talaga nila na dito na matulog sa bahay namin. Malaki naman iyong kama ko kaya kasya kaming tatlo. "Aya nag-iisip ka ba? Kung iimbitahin natin si Zelle, malalaman niya na ikakasal sila ni Kevin. Hello?" Sabi naman ni May kay Aya. "Ayy oo nga pala noh. Mia, tulungan mo naman akong mag-ayos oh." Sabi ni Aya sa'kin habang bitbit niya iyong make up kit niya. "Ako nalang iyong mag-aayos sa'yo Aya." Sabi ni May sa kanya. "Huwag na kayong magpakapagod. May binayaran naman si Mommy na mag-aayos sa'tin eh." Sabi ko sa kanila. Ang totoo niyan ako lang naman talaga iyong dapat na ayusan pero dahil andito na sila eh di isali nadin sila. "WOW! Talaga Mia? Thank you Mia. Kailangan talaga magiging maganda ako mamaya." Niyakap ako ni Aya sa sobrang pagkatuwa niya. Nalilito nga ako kung bakit ganito nalang siya kung ma
Terakhir Diperbarui : 2026-02-07 Baca selengkapnya