CHAPTER 80: Finally Mia's POV This is it! Summer na. hihihihi! Stress free nadin ako sa mga quizzes, oral recitations, report at exams. Pero sa totoo lang talaga naging mabuti akong estudyante sa recent sem ko. Syempre dahil may gwapo akong tutor. Nakagraduate nadin si Kevin at may bago na naman siyang kabanata sa buhay niya. Ang pagtatrabaho. Masaya talaga ako para sa asawa ko dahil atleast, hindi na kami aasa nalang sa mga parents namin. Malay natin 3 to 5 years from now mapapalitan na 'tong cute na bahay namin sa isang mansion. Pero honestly, masaya naman ako kahit hindi malaki ang bahay namin. "San mo gustong pumunta?" Tanong ni Kevin sa'kin habang nasa tabi ko siya at nagmamaneho. "Hmm.. Hindi ko din alam eh. Movie house? Restaurant? Mall?" Ako ang nagyaya kay Kevin na lumabas kami pero hindi ko talaga alam kung san ko gustong pumunta. "Kahit saan nalang.." Pagpapatuloy ko. "Sa park nalang muna tayo." Sambit ni Kevin at tumango naman ako. Pagkalipas ng
Read More