CHAPTER 67: Bitchy Venice Venice's POV Hindi alam ni Mia na nauna na akong nakarating sa restaurant na tinext niya at tahimik na nagmamasid sa kanila. Kailangan ko lang makahanap ng tiyempo para magawa ko lahat ng plano ko. Sobrang nabadtrip ako ng malaman kong hindi pala nag-away si Mia at Kevin. Fvck! Pagkatapos ng ginawa ko okay padin sila? Sobrang ginalingan ko iyong pag-arte ko pero hindi parin pala sapat iyon. Ibang klase din itong si Mia. Ano bang gayuma ang ginawa niya para baguhin si Kevin? Anyway, hindi ko na dapat sayangin ang oras ko kakaisip sa bagay na lumipas na. If I failed yesterday, it doesn't mean that I won't succeed today. Marami pa akong plano para sirain sina Mia at Kevin at para agawin si Kevin. Hindi ako susuko nalang basta basta. Pagkatapos ng kalahating oras ng paghihintay, tumayo nadin si Kevin para pumunta ng restroom. Ito na ang tamang pagkakataon para magpakita kay Mia. Tumayo na ako at tinanggal ang cap at shades ko saka ko tinawag si Mia.
Baca selengkapnya