"Lahat ng 'to, kukunin ko. Pack them all," utos niya sa sales attendee na sumunod sa kanya noong pumasok sila sa kilalang brand ng bag.Namilog ang mga mata ng babae, "Po? Ma'am, are you sure?"Halata ang alangan sa babae kaya tinaasan ito ng kilay ni Sienna."Mukha ba akong nagbibiro, Miss? Lahat ng bags niyo na naka-display, kukunin ko."Pasimple niyang nilabas ang black card ni Lorenzo na nasa kanya. Kunwari niyang inipit ang takas na buhok sa tenga niya para lang i-flex ang card sa pagmumukha ng sales attendee.Kita niyang nanlaki na naman ang mata ng babae at tatlong beses pang pumalakpak kaya naalerto ang mga kasama nito sa trabaho."Guys, lahat ng bag, i-pack niyo na! Bibilhin lahat ni Ma'am. Quota na tayo for today!" Tumili pa ito kaya tumili rin ang mga kasama nito.Ngumisi siya at natutuwa noong ilagay ng mga ito sa paperbag bawat isa sa bag."Miss Sienna, hindi po kaya magalit ang asawa niyo rito?"Sinulyapan niya si Lenlen at matamis na ngumiti, "That's the goal, Lenlen. A
Last Updated : 2026-03-25 Read more