"Mama, you look so pretty!" humahangang papuri sa kanya ni Gwen na nakasuot ng baby pink gown.Kanina pa niya gustong maiyak peeo sinusuway siya ni Miss Lolita. Ngayon naman ay mas lalo na niyang gustong umiyak matapos makita si Gwen."Thank you, Baby. Sobrang ganda mo rin," papuri niya rito.Ngumiti ito nang malawak at lumapit sa kanya. Umakma pa itong magpapabuhat sa kanya."Gwen! Malulukot ang gown ng Mama mo. Tsaka, mabigat ka na para buhatin ka pa niya," tarantang suway ni Miss Lolita."Miss Lolita, okay lang po. Dito lang naman po si Gwen sa kandungan ko."Halatang ayaw pang pumayag ni Miss Lolita pero walang magawa noong tinulungan niyang makaupo sa kandungan niya ang anak."Mommy, kapag po ba lumabas na iyong tatlong baby, love niyo pa rin po ba kami nila Gio at Gavin?" may bakas ng lungkot sa boses nito."Oo naman! Bakit naman hindi? Baby ko kayong lahat. Lahat kayo love namin ng Daddy ninyo, hm? Kahit maging dalaga at binata pa kayo, love pa rin namin kayong lahat. Okay?" Pag
Last Updated : 2026-03-22 Read more