Napalunok si Lenlen sa kaba lalo na noong magbilang na si Juancho."Isa," nagtitimping bilang nito.Hindi siya makakilos. Kapag binuksan niya ang pinto, lagot siya rito. At saan siya tatakbo? Baka bago pa siya makatakbo, mahuli na siya nito."Dalawa, Lenlen. Tatawag ako ng maintenance at ipapabukas ang pinto. Mas lagot ka sa'kin kapag gumastos pa ako para lang sa kalokohan mo," ang boses nito ay halatang ubos na ang pasensya."Kasalanan mo naman kasi! Bakit kasi nambabae ka—kainis. Sige na. Bubuksan ko na pero mangako kang hindi mo ko sasaktan. Pangako?"Tumikwas ang kilay ni Juancho, "Hindi ako nananakit ng babae.""Talaga? Bakit noong last time, sobrang sakit ng kiffy ko dahil sa'yo—""Hindi counted iyon, Lenlen. Buksan mo na ang pinto bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko." Nag-isang linya na ang mga labi nito.Sasagot pa sana siya pero naumid na ang dila niya. Sobrang seryoso na kasi ni Juancho, ibang-iba sa awra nitong laging nakangisi.Kabado man ay tinulak niya paalis ang sof
Last Updated : 2026-05-05 Read more