Sa ganda ng suot niyang baby blue dress, yaya lang ang pakilala nito sa kanya. Hindi naman siya umaasa na ipakilala siya bilang asawa pero pwede namang bilang Mama ni Sofie!"Silly, hindi siya mukhang yaya. Baliw ka talaga, Lorenzo," sermon ni Angel kay Lorenzo, kinurot pa nito ang lalaki."She is. At least for today," nang-iinis na bigkas ni Lorenzo.Kumuyom na naman ang kamao ni Sienna. Kung hindi lang nakakahiya sa mga kaibigan nito ay sasampalin niya talaga ang lalaking ito!May pagdadabog siyang lumapit sa mga ito at pilit na ngumiti sa babae."Akin na po ang alaga ko, Ma'am," diing pagkausap niya kay Angel at kinuha si Sofie sa bisig nito."Sir, doon po muna kami ni Baby Sofie," madiing bigkas niya rin noong bumaling kay Lorenzo.Fine! Yaya siya ngayon pero tandaan nito ang ginawa sa kanya ngayon."Mommy, galit ikaw?" tanong bigla sa kanya ni Sofie.Kita niyang bahagyang namilog ang mga mata ni Angel noong marinig si Sofie at mukhang nakilala siya bigla."Ikaw si Sienna? Nice t
Last Updated : 2026-04-20 Read more