Habang papalapit ang ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Isabella, lalong lumalala ang tensyon sa mansion. Ang tiyan niya ay malaki na, mabigat, at madalas siyang nahihirapan huminga o matulog. Pero mas mabigat pa rin ang dinadala ng puso niya—ang paulit-ulit na ebidensya na hindi siya talaga mahal ni Marcus.Isang gabi, late na naman ang uwi nito. Amoy alak at babaeng perfume. Nakita niya sa phone niya—habang natutulog ito—isang message mula kay Vanessa: “Miss you already. See you tomorrow? 💋”Hindi na siya nakatiis. Kinabukasan, habang nasa opisina pa rin siya—pinayagan ni Marcus na magtrabaho hanggang makakaya—lihim niyang ginamit ang company computer para mag-research. Vanessa Monteverde—socialite, model, at anak ng isa sa mga business partner ni Marcus. May mga lumang photos sila online: engaged daw sila noon, pero biglang nawala sa news. At ngayon, mukhang bumalik na.Pag-uwi niya sa mansion, naghintay siya. Nang dumating si Marcus, diretso ito sa study room, hindi man lang tumi
Terakhir Diperbarui : 2025-12-21 Baca selengkapnya