"Nakikita mo ba yang kano na yan?" Mas lumapit si Mama Melly sa akin saka itinuro ang daliri nito sa isang direksyon.Sinundan ko ang daliri ng babae at tumama ang aking paningin sa isang lalaki na nakaupo sa harap ng counter. Kahit blurry ang aking paningin dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na sumisilaw sa aking mata, pinilit kong aninawin ang tinutukoy nito.Nakatalikod ito sa amin, pero alam kong may edad na rin ito. Malaking lalaki ito at sa tansya ko'y nasa 6'0 feet o mas higit pa ang height nito."Virgin ang hanap nya. Fit na fit sa requirements nya ang katawan, kutis at mukha mo."Pumunta si Mama Melly sa aking likuran at minasahe ang magkabila kong balikat habang nakatingin sa kano na mag-isang umiinom sa counter ng nightclub na aming kinaroroonan."Don't worry, Lav. Mayaman yan. Loyal customer ko yan dito. Hindi ka malulugi riyan."Hindi na ako nakapalag nang itulak niya ako. Unti-unting umuusbong ang takot at kaba sa dibdib ko habang papalapit sa tinutukoy niyang lalaki. Pa
最終更新日 : 2025-12-23 続きを読む