"GOOD morning, everyone!"Gumanti lang sa magiliw na pagbati ni Faith ang mga katulong na nadatnan niya sa komidor. At nagmamadali pa ang mga ito na umalis habang nakayuko ang mga ulo."Anong nangyari sa kanila?" Bumaba ang tingin niya sa sarili, "May mali ba sa suot ko?" Napakapa rin siya sa mukha, "Sa makeup ko?""Good morning, hija!" bati ni Lanie na sinundan din ng asawa nito.Binalewala muna ni Faith ang halatang pag-iwas sa kanya ng mga katulong saka ibinalik ang ngiti sa labi nang gumanti siya ng bati sa mag-asawa na Sy na nakapagsimula na ng almusal."Akala namin mamaya ka pa magigising kaya nauna na kaming kumain," wika ng ginoo."Alam niyo na po ang bago kong motto." Naupo na siya. "Early birds catches early worms."Kunot-noong nagkatinginan ang mag-asawa na napansin naman ni Faith."Bakit po? May iba pa ba akong motto?""Anak, okay ka lang ba? Wala bang masakit sa ulo mo?" usisa ni Lanie.Napasapo naman si Faith sa kanyang noo. "Nauntog lang ako kahapon. Pero okay lang po a
Baca selengkapnya