''ANONG ginagawa niya rito? Akala ko ba tayong dalawa lang?''''Sweetie, alam ko kasing hindi ka sasama kung sinabi kong kasama natin siya.''''Mabuti't alam mo!'' asik ni Fran kay Daisy. ''Kahit maayos ang huli naming pagkikita, mainit pa rin ang dugo ko sa kanya.''''Sweetie- ''Itinaas ni Fran ang isang kamay na pumutol sa pagsasalita ni Daisy. Pinapilantik muna nito ang mga daliri saka itinutok ang tingin kay Faith. ''Iba ang pakiramdam ko. May kailangan ka sa akin, 'no?''"Oo.""At ano naman ang kailangan ng isang heredera sa akin?"''Ang serbisyo mo.''Napamulagat ito at mabilis na iniyakap ang mga bisig sa harap ng dibdib.''Babayaran kita.''''Mukha ba akong bayaran, ha?''''Five thousand.""No. I'm not that cheap.''"Ten.""Maghanap ka na lang ng iba.""Fifteen."''Kaya kong kitain iyan sa parlor ko.''''Twenty.''''Wala ka sa auction para makipag-bidding sa akin.''''Fifty. Last offer ko na iyan.''''Sweetie, pumayag ka na!'' singit ni Daisy. ''Sayang din iyon.''''Kailan ka
Read more