France's POV Humupa naman ang hiya ko ng mga sumunod na araw, pero hindi ko makakalimutan ang nangyari sa akin. Kaya madalas kong sinasabi sa asawa na dahan-dahan at ayokong lagnatin ulit. Sinasabi ko talaga ‘yan bago niya ako angkinin.Napansin kong wala na siyang ilang talaga. Kung ituring niya ako, para bang totoo ang lahat. “Normal nga ‘yon dahil first time mo, hon. Kapag nasanay ‘yan, hindi ka na masasaktan.”“Anong hindi? Eh, bakit ganoon pa rin kahirap ka kung pasukin ako, huh?”Natawa nang malakas ang asawa.“Hindi ba pwedeng gifted lang? O sadyang masikip ka? Alin kaya?” Hinampas ko siya sa balikat pero tinawanan lang ako.“Siguro kung dati pa nating ginagawa ito, baka sanay na sanay ka na sa akin, France,” seryosong sabi niya sa akin mayamaya.“Wala, e, ngayon mo lang ako pinagbigyan.” Sadyang ako tagabasag ng imahinasyon niya. Nanahimik na naman siya.Totoo naman, a. Ngayon lang niya ako binigyang pansin kung kailan isang araw na lang bago ang pagpirma ko ng annulment.“
Read more