Kaseem Noi’s POV Nakatitig lang ako sa magandang DJ na nasa gitna ng entabladong iyon. Halos wala akong absent sa pagpunta rito sa Knight Club simula nang makita ko ang magandang DJ na iyon, na isang Filipina. “Phom chôrp thoe,” naisatinig ko. Napatingin sa akin ang may-ari ng Knight Club na iyon na si Henry Brook, isang British, na under my protection. “I’d suggest you find someone else to pursue. Ces is off-limits. She’s the daughter of a close friend of mine, and while she’s here, she’s under my protection,” ani ni Mr Brook. Napangiti ako. “But I like her, my friend.” Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang sinulyapan ko ang dalagang masayang umiindayog sa tugtog na kanyang isinalang. Alam kong hindi niya ako papayagang ligawan si Ces, kaya ibinaling ko na lang ang usapan sa negosyo. “Fair enough. Then let me hire her as the DJ for my private party this Saturday. I'll pay whatever her rate is.” Ilang sandaling pinagmasdan ni Mr Brook ang mukha ko bago siya marahang tuma
Read more