France’s POVMASAYANG lumapit ako kila Jamiel matapos ang laro ng team niya. Again, panalo sila laban sa isang sikat at prestihiyosong unibersidad din. May mga reporter na lumapit para mag-interview kaya umiwas muna ako. Pinatapos ko muna iyon bago tuluyang lumapit.“Congrats, guys!”“Thanks, France!” ani ng isang best player ngayon na si Brent. Isa lamang pala siya sa mga crush ng kaibigan. Akala ko faithful itong si Jam, aba’y halos lahatin na nga ang team.Napansin kong hinahanap niya ang kaibigan kaya inunahan ko siya. “Hindi nakarating si Jam dahil dumating ang parents niya.”“Oh. Kaya pala,” aniya.Napangiti ako sa naging reaksyon niya. Mukhang may something na siya sa kaibigan.“Hey, sa Sabado ang outing ng team. This time, sa Quezon naman. Sama ka ba?”“Sure!” mabilis kong sagot.“Bilis, a!” Natawa pa si Jamiel. “Okay lang ba kay Denmark?”Ako naman ang natawa, sa pagak nga lang.“Magpapasalamat pa nga ‘yon na wala ako sa bahay niya.”Napailing na lang si Jamiel. “Bakit kasi
Read more