Denmark’s POV“Gaano katagal?” tanong ko sa kasamahan kong may handle sa pagawaan ng mga mask namin.“Three to four days,” sagot niya.“What?!” bulalas ko. “Hindi ba pwedeng overnight?”Hinarap ako ni Arko. “Dee, tingin mo sa akin machine? Huh?” “Kapag si Raven ang nag-utos sa ‘yo, ginagawa mo kaagad. Pero kapag ako, ang tagal talaga. Lagi na lang, Ark,” reklamo ko.“Of course, si Raven ang pinag-uu—”“50K,” putol ko sa sasabihin niya.“Ayon naman pala, e! Madali akong kausap, Dee!” Sabay ngiti ni Arko. “Kapag ganyang amount, sabihin mo kaagad.”Napailing ako sa sinabi niya. Kanina lang ilang araw daw bago matapos, ngayong nilatagan ko ng amount, kaya naman pala.Talagang kailangan ko ang silicon mask na gaya ng ginamit ko sa Thailand, at siya lang ang may gawa niyon kaya sa kanya ako lumapit. Hindi naman pwedeng mukha ni Denmark ang gamitin ko pagpunta ng Cebu, sigurado akong magtataka si France. Saka baka iwasan niya lang din ako doon. Hindi gaya ni Dee, magiging bodyguard niya ito
Read more