Pangatlong araw na naming nandito sa Hospital dahil sa balitang iyon na hindi naman namin alam kung sino ang nagpakalat. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyaring usapan namin ni Ashton."Anak, umiiyak ka na naman," puna ni Mama. Napatingin ako sa kanya bago ko dahan-dahang hinawakan ang aking pisngi. May luha na naman nga. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya."A-Ayos lang ako, Ma," sagot ko. Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap."I know you're not anak," sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.Doon na bumigay ang boses ko. "B-Bakit kasi gano'n Ma, e. Ang... hirap-hirap. Hindi niya man lang ako hinayaang magpaliwanag," muli akong nagsimulang humagulgol."You're crying to ease the pain pero h'wag naman sumobra, okay? Hindi naman natin alam kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya kaya gano'n nalang siguro ang naging reaksiyon niya. But still, mali pa rin iyon. Tahan na Sandra," ani ng ginang. Alam na rin ni Mama kung anong nangyari at bakit bigla
Last Updated : 2025-12-29 Read more