LOGINHapon na naman at wala akong ibang ginawa sa bahay na ito kundi ang magmukmok. Iniwasan ko na rin ang masyadong magkilos-kilos dahil nangangalay na ang katawan ko, malapit na rin kasi akong manganak.
Tiningnan ko ang malaking tyan ko. I smiled and gently caressed my tummy, feeling the life inside me.
"Ma'am, ito na po yung mansanas."
Nilingon ko ulit si Manang Luz at kinuha sa ginang ang mansanas na binalatan nito.
"Ma'am, hanggang ngayon ba naglilihi ka pa rin?" natatawang tanong ng kasambahay sa akin.
"Hindi ko nga alam, Manang. Basta gusto ko lang na ganito yung mansanas, walang balat," tumigil ako saglit sa pagsasalita nang may sumagi bigla sa isipan ko.
Parang may gusto akong tikman.
Hinarap ko si Manang. "Pwede po bang pakilutuan ako ng chicken curry? I'm craving for that. So badly," nakangusong pakiusap ko sa kaniya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng ginang. I know she can't resist me.
"O sige po Ma'am. Hintayin n'yo nalang po. Atsaka, baka si Madam mamaya-maya ay nandito na rin," sagot niya.
Nakangiting tumango lang ako. "Sige po, I'll wait here nalang, Manang," sabi ko at muling kumagat sa mansanas. Ngumiti lang si Manang Luz at umalis na sa living room. Tumingin ulit ako sa screen ng TV pero ang isip ko ay lumilipad na naman.
Siya si Manang Luz. Katulong siya sa bahay namin mula pa noong high school ako. Matagal na itong nagtatrabaho sa amin kaya noong umalis ako para bumukod kami ni Ashton, sobra itong nalungkot. Natuwa naman ito noong nalaman na babalik na ako, pero medyo nalungkot nga lang matapos malaman kung ano ang nangyari sa amin ng asawa ko.
Eight months na rin ang nakalipas mula noong nangyari ang araw na hindi ko aakalain na magaganap. After what happened at Ardiente Empire ay umalis na ako. Hindi ko na kaya ang sobra pang masaktan. Hindi ko na rin alam kung ano pang nangyari pagkatapos non. Basta, isa lang ang alam ko. Tinanggal na lahat ni Ashton ang koneksiyon niya sa akin.
Bumalik ulit ako sa Hospital noon na umiiyak. Tinanong ako ng ina ko kung bakit daw ako umiiyak tapos ang tagal ko pa raw. I told my mother the truth and while I was talking, bigla nalang akong nahimatay kaya hindi rin kami nakauwi agad. We spent almost five days there because of my condition. I was stressed and also depressed that time to the point that I almost lost my baby.
After five days, nakalabas na rin ako ng Hospital. Malakas-lakas na ang pakiramdam ko noon. Sinabi ko sa ina ko na kung pwede ay siya na lang ang kukuha ng mga gamit ko na naiwan sa bahay namin ni Ashton. Pumayag naman siya. Kinuha ng ginang lahat ng naiwang gamit ko roon.
Sinabi rin ng aking ina sa mga katulong doon na aalis na ako. Nagulat ang mga katulong at sinabi sa kaniya na limang araw na rin daw na hindi umuuwi si Ashton doon sa Mansion. Sinabi iyon lahat ni mommy sa akin. Nasaktan ako kahit papano pero ayaw ko namang ma-stress ulit kaya sinabi ko sa kaniya na ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol doon.
Days went so fast. I decided to cut all my connections with Ashton too. Pinutol ko na ang lahat dahil akala ko madali lang, but I was wrong. Iyak ako ng iyak tuwing gabi. Lagi ring tulala at walang ganang kumain.
Ang dami na naming pinagdaanan at nalagpasan namin lahat iyon pero ngayon? Bakit?
Magpapaliwanag naman sana ako pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Aksidente lamang ang nangyari. Pero kahit anong kumbinse ko sa sarili ko, nangyari talaga ang bagay na iyon.
Mahigpit na naikuyom ko ang kamao ko pero kapagkuwan ay napabuntong hininga na lang ako. I can't believe na nangyari iyon sa buhay ko. I looked at my tummy again. Eight months na ang tiyan ko at isang buwan nalang, manganganak na ako.
Hinaplos ko muli iyon at pinakiramdaman ang loob. Biglang nanlaki ang mata ko at napahigpit ang hawak sa couch na inuupuan ko nang maramdaman kong sumipa ang baby ko.
"Oh God. My baby..." mahinang daing ko.
Nasaktan ako nang kaunti. Pero nang mawala na ang kirot, hinaplos ko na naman ulit ang tyan ko nang may pagmamahal.
"Baby, please. H'wag mong pahirapan ang Mommy ha?" mahinang sambit ko sa kaniya habang nakatingin sa aking sinapupunan.
****
"Anak, payag ka ba na sa States ka na lang manganak?"
Kadarating lang ni Mama at iyon ang bungad na tanong niya sa akin.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa kaniyang mungkahi. Pwede naman kasing sa Pilipinas na lang, kaya napaisip ako kung bakit tila nagmamadali siya.
"Why so sudden?"
Wala akong ideya kung bakit doon ang gusto niya.
"Walang mag-aalaga at magbabantay sa iyo rito kung pupunta ako sa States. Para may gagabay at magtingin-tingin na rin sa inyo. Kaya naman sana pumayag ka," pakiusap niya sa akin.
Hindi ako agad nakasagot. Nanatili akong tahimik habang iniisip ang mga pwedeng mangyari kapag pumayag ako sa gusto niya.
"Payag ka na ba? Wala mag-aalalay sa iyo rito kapag iniwan kita. Si Manang Luz, pagpapahingahin ko rin muna. Papauwiin ko muna siya ng probinsiya nila," dagdag ni Mama na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Nakangiti akong tumango bilang tugon sa kaniya. "Payag na po ako Ma. Pero teka, di'ba nandoon si Annie? Alam niya ba ang tungkol dito?"
Tumango ang ina ko sa tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng excitement. Si Annie Castro ay pinsan ko at bestfriend sa side ni Mama.
Bigla akong napapikit nang maramdaman ang malakas na sipa ng anak ko sa loob ng tiyan ko. "Ouch... Lagi na lang siyang sumisipa," sambit ko habang isinasandal ang likod sa headboard ng kama at nakahawak sa aking tiyan. Ngumiti si Mama at hinaplos iyon.
"It's normal, Sandra." Tumingin siya sa aking tiyan na tila kinakausap ang apo niya. "Apo, huwag mong pahirapan ang Mommy mo ha? Be good to your Mom," anito.
"Ma? Kailan pala ang alis natin?" tanong ko para makapaghanda agad ako.
"This Saturday, anak. Kaya kung ako sa iyo, i-enjoy mo muna ang sarili mo habang nandito pa tayo," sambit nito bago inalis ang kamay sa tiyan ko.
Oo nga naman, dapat ko na lang muna i-enjoy ang mga natitirang araw ko rito sa Pilipinas. Today is Wednesday, kaya may dalawang araw pa akong natitira.
"What if isama ko si Manang Luz bukas mag-shopping?" suggestion ko sa kaniya.
Napatango naman si Mama. "O sige, basta mag-iingat kayo. Aayusin ko rin muna yung mga papeles natin. I'll remind Manang Luz tomorrow about this," sambit nito kaya napangiti ako nang malapad.
Kinabukasan ay maagang naghanda si Manang para sa pag-alis namin.
"Ma'am saan po ba tayo pupunta?" tanong ni Manang Luz habang nasa byahe kami.
Kanina pa siya tanong nang tanong kung saan ang punta namin pero sabi ko ay sorpresa lang iyon. Grocery-han at palengke lang kasi ang madalas niyang puntahan. Aside from that, bibili rin ako ng mga kakailanganin ko bago kami magbiyahe. Alas-nuebe pa lang naman ng umaga, maaga pa.
Hinarap ko ang ginang at nginitian. "Manang, be patient po. Malapit na rin tayo," ani ko sabay tingin kay Manong driver ng taxi. "Di'ba Manong?"
Tango lang ang isinagot ng lalaki sa akin. Umiwas ako ng tingin at hinaplos ang belly ko. I'm wearing a simple mint green dress. It's above the knee and off-shoulder, na bumagay naman sa akin. Maluwag ito at gusto ko ang klase ng tela dahil kumportable para sa isang buntis.
"Hi, baby. Mommy can't wait to see you," mahinang wika ko. Hindi ko inalam ang gender ng baby ko dahil gusto kong i-surprise ang sarili ko, pero naghanda na rin naman ako para sa kahit anong kinalabasan niyon.
Nagpapa-check up ako every month to check if my baby is okay and healthy.
"Ma'am, nandito na po tayo," sabi ng driver.
Agad akong bumaling ng tingin sa harapan at nakitang nasa loading area na kami. Pinauna akong pinababa ni Manang Luz bago siya sumunod.
"Manong, heto oh. Salamat po," sabi ko sabay abot ng bayad. Ngumiti lang yung Manong sa amin bago umalis.
Nilingon ko si Manang Luz na halatang nagulat sa laki ng mall na pinuntahan namin. "Ma'am, dito po ba yun?" tanong nito na ikinatango ko naman. "Kaya, tara na po."
Pumasok na kami sa loob at kumuha ng cart para simulan ang shopping.
"Manang Luz, are you sure about that? Tama na po ba yan?" kunot-noong tanong ko habang nasa tapat kami ng fridge.
"Naku! Ma'am, tama na po ito. Marami na masyado. Sigurado akong matutuwa yung mga apo ko. Sobra sobra na po ito," wika ng ginang.
"O sige po Manang. Mauna na po kayo doon sa counter. May bibilhin lang ako saglit. Ito po," binigay ko sa kaniya ang limang libo na budget ko para sa grocery niya. May sarili rin akong budget para sa sarili ko.
Tinanggap niya ang pera habang nakangiti. "Sige po ma'am. Salamat po dito. Huwag po kayong lalayo ha? Malapit na pong magtanghalian, baka po malipasan kayo ng gutom. Uuwi na po tayo pagkatapos nito, bilin sa akin ni Madam 'yan."
Matapos iyon ay umalis na ang ginang para pumila. Inayos ko naman ang pagkakahawak ko sa tatlong yakult na dala ko. Pumunta ako sa sweets section at kumuha ng dalawang bar ng chocolate.
Pagkaharap ko, biglang may malakas na bumunggo sa balikat ko. Awtomatikong nangunot ang noo ko. Hindi niya ba nakikita na may tao rito? Nasa tabi na nga ako, eh.
Paano na lang kung na-out balance ako at may mangyaring masama sa anak ko?
Magkasalubong ang dalawang kilay ko habang humaharap sa taong nakabunggo sa akin. Ngunit, agad na nanlaki ang mga mata ko at tila huminto ang mundo ko matapos kong makita kung sino ang nakatayo sa harap ko.
"A-Ashton...?"
Hapon na naman at wala akong ibang ginawa sa bahay na ito kundi ang magmukmok. Iniwasan ko na rin ang masyadong magkilos-kilos dahil nangangalay na ang katawan ko, malapit na rin kasi akong manganak.Tiningnan ko ang malaking tyan ko. I smiled and gently caressed my tummy, feeling the life inside me."Ma'am, ito na po yung mansanas."Nilingon ko ulit si Manang Luz at kinuha sa ginang ang mansanas na binalatan nito."Ma'am, hanggang ngayon ba naglilihi ka pa rin?" natatawang tanong ng kasambahay sa akin."Hindi ko nga alam, Manang. Basta gusto ko lang na ganito yung mansanas, walang balat," tumigil ako saglit sa pagsasalita nang may sumagi bigla sa isipan ko.Parang may gusto akong tikman.Hinarap ko si Manang. "Pwede po bang pakilutuan ako ng chicken curry? I'm craving for that. So badly," nakangusong pakiusap ko sa kaniya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng ginang. I know she can't resist me."O sige po Ma'am. Hintayin n'yo nalang po. Atsaka, baka si Madam mamaya-may
Pangatlong araw na naming nandito sa Hospital dahil sa balitang iyon na hindi naman namin alam kung sino ang nagpakalat. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyaring usapan namin ni Ashton."Anak, umiiyak ka na naman," puna ni Mama. Napatingin ako sa kanya bago ko dahan-dahang hinawakan ang aking pisngi. May luha na naman nga. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya."A-Ayos lang ako, Ma," sagot ko. Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap."I know you're not anak," sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.Doon na bumigay ang boses ko. "B-Bakit kasi gano'n Ma, e. Ang... hirap-hirap. Hindi niya man lang ako hinayaang magpaliwanag," muli akong nagsimulang humagulgol."You're crying to ease the pain pero h'wag naman sumobra, okay? Hindi naman natin alam kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya kaya gano'n nalang siguro ang naging reaksiyon niya. But still, mali pa rin iyon. Tahan na Sandra," ani ng ginang. Alam na rin ni Mama kung anong nangyari at bakit bigla
"Sandra, anak..."Dahan-dahan akong bumangon nang biglang may humawak sa braso ko. Agad kong tiningnan kung sino iyon. Parang nanlambot ang buong katawan ko nang makita ko ang aking ina. Halatang galing siya sa pag-iyak dahil sa pamumula ng kaniyang mga mata. Inalalayan niya akong makaupo bago niya ako niyakap nang mahigpit.Kusa namang tumulo ang mga luha ko. Hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon na tila gripo. Hinahaplos ni Mama ang likod ko para patahanin ako.Narinig naming tumikhim ang Doctor kaya lumingon si Mama sa gawi nito habang patuloy pa rin ang pag-alo sa akin."Mrs. Flores, maiwan ko po muna kayo," wika ng Doctor. Tumango lang si Mama bilang tugon. Narinig naming bumukas at sumara ang pinto ng kuwarto. Bahagya akong tumunghay at tiningnan si Mama."Anak, ano bang nangyari sa inyo ng asawa mo? Bakit kayo umabot sa ganito, huh?" tanong niya kasunod ang paghaplos ng buhok ko."Hindi ko alam kung bakit siya biglang nagkagano’n, Ma. Hindi naman siya gano’n no’ng umali
Bumungad sa akin ang magulong loob ng kuwarto namin. Basag-basag ang mga babasaging gamit at nagkalat ang matatalim na bubog sa sahig. There are also a few bottles of wine scattered on the floor. Ang iba ay nakatumba at ang iba naman ay basag na rin. Sobrang gulo at kalat, tila dinaanan ng isang malakas na bagyo ang silid na dati ay payapa.Anong nangyari? Bakit ganito?Dumako ang tingin ko sa kama namin. I saw my husband, Ashton, sitting there looking at me with his bloodshot eyes. Punong-puno ng sakit at galit ang kaniyang tingin.Ano ba’ng nangyari?Lumakad ako papasok, dahan-dahan ang bawat hakbang dahil sa takot. Napansin ko ang dugo sa kanang kamao niyang nakakuyom. Tumingin ulit ako sa kaniya. I was about to approach him but he stood up and turn his back on me. Nagtaka ako dahil sa malamig na inasal niya."Ashton..." Lumapit ako sa kaniya, sinusubukang abutin ang balikat niya."Stay away from me, Sandra," madiing wika niya at lumakad palayo sakin. He went to the cabinet and too







