Share

Chapter 3

Author: Sinichibubu
last update Last Updated: 2025-12-29 07:21:27

Pangatlong araw na naming nandito sa Hospital dahil sa balitang iyon na hindi naman namin alam kung sino ang nagpakalat. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyaring usapan namin ni Ashton.

"Anak, umiiyak ka na naman," puna ni Mama. Napatingin ako sa kanya bago ko dahan-dahang hinawakan ang aking pisngi. May luha na naman nga. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.

"A-Ayos lang ako, Ma," sagot ko. Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap.

"I know you're not anak," sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Doon na bumigay ang boses ko. "B-Bakit kasi gano'n Ma, e. Ang... hirap-hirap. Hindi niya man lang ako hinayaang magpaliwanag," muli akong nagsimulang humagulgol.

"You're crying to ease the pain pero h'wag naman sumobra, okay? Hindi naman natin alam kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya kaya gano'n nalang siguro ang naging reaksiyon niya. But still, mali pa rin iyon. Tahan na Sandra," ani ng ginang. Alam na rin ni Mama kung anong nangyari at bakit biglang nagkaganito ang relasyon ko sa asawa ko.

Hindi na ako umimik at bumitaw na sa yakap ni Mama. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Makakaya mo ito, anak. Don't lose hope," nakangiting wika niya. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga gamit dahil pwede na kaming lumabas ng Hospital. Humupa na rin kahit papaano ang mga paparazzi na nag-aabang sa amin sa labas.

"Nalimutan ko nga pa lang sabihin. Aalis po muna ako saglit. May bibilhin lang ako," sambit ko. Nangunot ang noo niya at tumigil siya saglit sa pag-aayos.

"Eh, baka mapaano ka mamaya dyan sa daan. Hapon na oh, malapit ng gumabi. Kung gusto mo e, ako na lang ang bibili," suhestiyon niya dahil sa pag-aalala.

"Dont worry, Ma. Kaya ko po ang sarili ko," sagot ko habang isinuot ang brown hoodie ko.

"Are you really sure?" tanong niya ulit.

Tumango lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Hindi pa naman masyadong umbok ang tyan ko kaya nakakagalaw pa ako ng maayos.

"Take care," huling bilin niya.

Lumabas na ako at agad na dumiretso sa elevator. Nang makababa na, mabilis akong umalis ng Hospital at naghanap ng taxi. Mabuti na lang at walang nakapansin sa akin. May pera rin naman akong dala. Huminto ang isang taxi sa harapan ko at dali-dali akong sumakay. Ngayon palang, gusto ko nang humingi ng tawad kay Mama dahil kailangan kong gawin ito.

"Kuya, Ardiente Empire po," sabi ko sa driver. Tumango siya at pinaandar ang sasakyan.

Bumaba ako sa tapat ng entrance ng mataas na building matapos magbayad. May dalawang guard ang sumalubong sa akin. Namukhaan agad nila ako kahit nakasuot ako ng hoodie.

"Maam, sorry po pero bawal na po kayong pumasok dito," sabi ng isa sa kanila. Nagulat ako. Maging sa sarili niyang kumpanya, bawal na ako?

"P-Please, papasukin n'yo ako. May sasabihin lang ako kay Ashton," nagsusumamo kong pakiusap. Naiiyak na naman ako. "P-please, p-please. Nakikiusap ako," yumuko ako dahil ramdam ko na naman ang paglandis ng luha. Hindi na yata maubos-ubos ang mga ito.

Nagkatinginan ang dalawang guard. "Sige, Maam, pero sasamahan po kita," sagot ng isa. Gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko. Sinamahan niya ako papasok sa elevator at dumiretso kami sa floor ng office ni Ashton. Wala nang masyadong tao sa loob at ang ilan ay nagliligpit na dahil tapos na ang office hours.

Nang makarating kami, naabutan namin ang secretary niya na nakatingin sa amin. Dumako ang tingin nito sa akin at ngumiti. It's Philip Wins. Ang lalaking secretary ni Ashton.

"Good day, Ma'am Sandra. Akala ko po bawal ka na pong pumasok dito," nagtatakang wika nito. Ngumiti lang ako ng bahagya.

"G-Gusto ko lang naman siyang makausap... May sasabihin ako sa kanya," paliwanag ko. Ngumiti muli si Philip.

Akmang magsasalita na ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Ashton na magulo ang suot na long sleeves. Pati ang necktie nito ay magulo rin. Kasunod nito ay may babaeng lumabas din. Naka-roba ito at magulo ang buhok. Ipinulupot agad nito ang kamay sa bewang ni Ashton bago ngumiti sa amin.

"Oh, who is she?" malumanay na tanong nito habang nakangiti. Si Cheska.

Nagulat ako sa nadatnan ko. Tila pinukpok ng martilyo ang puso ko sa sakit. Halata naman ang gulat sa mga mata ni Ashton pero mabilis din iyong nawala. Gumanti siya ng yakap sa babae na ikinahagikgik nito. Napaubo naman si Philip sa tabi namin.

"Sir, inform sana kita kaso bigla ka namang lumabas," sambit ni Philip, nauutal pa siya.

"Iiwan n'yo muna kami," biglang sambit ni Ashton.

"But Ashton, I thought we're—"

Pinutol ni Ashton ang sasabihin ni Cheska. "Shut up, Cheska! Sundin mo na lang ako," he hissed.

Yumuko ako. Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Walang imik ang lahat at iniwan na kaming dalawa.

"Why are you here?" malamig na tanong ni Ashton.

Tumunghay ako at tinitigan siya nang diretso sa mga mata. "A-Ang daya mo..." lumuluha kong sambit.

Hindi naman nagbago ang ekspresyon niya. Ngumiti ako sa kabila ng sakit at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit habang patuloy na umiiyak. Ramdam ko na naestatwa si Ashton sa ginawa ko.

"Bakit hindi mo ako hayaang magpaliwanag? It's an accident. B-Bakit... ganyan ka? Ang babaw babaw mo. P-Pwede naman nating pag-usapan ang tungkol doon ah,"

Itutulak sana niya ako pero mas hinigpitan ko ang yakap ko. "P-Please Ashton, k-kahit ito na lang. H'wag mo nang ipagkait sakin," napapikit siya.

Hinayaan niya lang muna ako kahit na tila labag sa loob niya. Pinaglaruan ko ang singsing na nasa kamay ko pagkatapos ay dahan-dahan na akong bumitaw. Hinarap ko siya habang seryoso siyang nakatingin sa akin. Bahagya akong ngumiti bago tinanggal ang singsing na nasa daliri ko. Kahit pa parang pinupunit ang puso ko, ginawa ko iyon.

"Ibabalik ko na 'to sayo kasi alam natin pareho na kahit m-magpaliwanag pa ako, hindi mo na rin naman ako paniniwalaan. Masasaktan lang ako. Lalo na ngayon na," tumunghay ako sa kanya.

"Nabali ko na yung tiwala mo sakin," wika ko at kinuha ang kanang kamay niya bago inilagay doon ang singsing.

Natulala ang asawa ko sa ginawa ko. Pinunasan ko ang pisngi kong basa ng luha bago tumalikod at iniwan siyang nakatayo roon, hindi makapaniwala.

Alam kong balang araw, malalaman din niya ang totoong nangyari.

"Sana lang, huwag mo pagsisihin ang naging desisyong ginawa mo balang araw..." mahina kong bulong.

Sa pag-alis ko rito, aalisin ko narin ang nararamdaman ko para sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Wife's Cry   Chapter 4

    Hapon na naman at wala akong ibang ginawa sa bahay na ito kundi ang magmukmok. Iniwasan ko na rin ang masyadong magkilos-kilos dahil nangangalay na ang katawan ko, malapit na rin kasi akong manganak.Tiningnan ko ang malaking tyan ko. I smiled and gently caressed my tummy, feeling the life inside me."Ma'am, ito na po yung mansanas."Nilingon ko ulit si Manang Luz at kinuha sa ginang ang mansanas na binalatan nito."Ma'am, hanggang ngayon ba naglilihi ka pa rin?" natatawang tanong ng kasambahay sa akin."Hindi ko nga alam, Manang. Basta gusto ko lang na ganito yung mansanas, walang balat," tumigil ako saglit sa pagsasalita nang may sumagi bigla sa isipan ko.Parang may gusto akong tikman.Hinarap ko si Manang. "Pwede po bang pakilutuan ako ng chicken curry? I'm craving for that. So badly," nakangusong pakiusap ko sa kaniya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng ginang. I know she can't resist me."O sige po Ma'am. Hintayin n'yo nalang po. Atsaka, baka si Madam mamaya-may

  • A Wife's Cry   Chapter 3

    Pangatlong araw na naming nandito sa Hospital dahil sa balitang iyon na hindi naman namin alam kung sino ang nagpakalat. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyaring usapan namin ni Ashton."Anak, umiiyak ka na naman," puna ni Mama. Napatingin ako sa kanya bago ko dahan-dahang hinawakan ang aking pisngi. May luha na naman nga. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya."A-Ayos lang ako, Ma," sagot ko. Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap."I know you're not anak," sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.Doon na bumigay ang boses ko. "B-Bakit kasi gano'n Ma, e. Ang... hirap-hirap. Hindi niya man lang ako hinayaang magpaliwanag," muli akong nagsimulang humagulgol."You're crying to ease the pain pero h'wag naman sumobra, okay? Hindi naman natin alam kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya kaya gano'n nalang siguro ang naging reaksiyon niya. But still, mali pa rin iyon. Tahan na Sandra," ani ng ginang. Alam na rin ni Mama kung anong nangyari at bakit bigla

  • A Wife's Cry   Chapter 2

    "Sandra, anak..."Dahan-dahan akong bumangon nang biglang may humawak sa braso ko. Agad kong tiningnan kung sino iyon. Parang nanlambot ang buong katawan ko nang makita ko ang aking ina. Halatang galing siya sa pag-iyak dahil sa pamumula ng kaniyang mga mata. Inalalayan niya akong makaupo bago niya ako niyakap nang mahigpit.Kusa namang tumulo ang mga luha ko. Hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon na tila gripo. Hinahaplos ni Mama ang likod ko para patahanin ako.Narinig naming tumikhim ang Doctor kaya lumingon si Mama sa gawi nito habang patuloy pa rin ang pag-alo sa akin."Mrs. Flores, maiwan ko po muna kayo," wika ng Doctor. Tumango lang si Mama bilang tugon. Narinig naming bumukas at sumara ang pinto ng kuwarto. Bahagya akong tumunghay at tiningnan si Mama."Anak, ano bang nangyari sa inyo ng asawa mo? Bakit kayo umabot sa ganito, huh?" tanong niya kasunod ang paghaplos ng buhok ko."Hindi ko alam kung bakit siya biglang nagkagano’n, Ma. Hindi naman siya gano’n no’ng umali

  • A Wife's Cry   Chapter 1

    Bumungad sa akin ang magulong loob ng kuwarto namin. Basag-basag ang mga babasaging gamit at nagkalat ang matatalim na bubog sa sahig. There are also a few bottles of wine scattered on the floor. Ang iba ay nakatumba at ang iba naman ay basag na rin. Sobrang gulo at kalat, tila dinaanan ng isang malakas na bagyo ang silid na dati ay payapa.Anong nangyari? Bakit ganito?Dumako ang tingin ko sa kama namin. I saw my husband, Ashton, sitting there looking at me with his bloodshot eyes. Punong-puno ng sakit at galit ang kaniyang tingin.Ano ba’ng nangyari?Lumakad ako papasok, dahan-dahan ang bawat hakbang dahil sa takot. Napansin ko ang dugo sa kanang kamao niyang nakakuyom. Tumingin ulit ako sa kaniya. I was about to approach him but he stood up and turn his back on me. Nagtaka ako dahil sa malamig na inasal niya."Ashton..." Lumapit ako sa kaniya, sinusubukang abutin ang balikat niya."Stay away from me, Sandra," madiing wika niya at lumakad palayo sakin. He went to the cabinet and too

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status