Share

Chapter 2

Author: Sinichibubu
last update Last Updated: 2025-12-29 07:11:10

"Sandra, anak..."

Dahan-dahan akong bumangon nang biglang may humawak sa braso ko. Agad kong tiningnan kung sino iyon. Parang nanlambot ang buong katawan ko nang makita ko ang aking ina. Halatang galing siya sa pag-iyak dahil sa pamumula ng kaniyang mga mata. Inalalayan niya akong makaupo bago niya ako niyakap nang mahigpit.

Kusa namang tumulo ang mga luha ko. Hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon na tila gripo. Hinahaplos ni Mama ang likod ko para patahanin ako.

Narinig naming tumikhim ang Doctor kaya lumingon si Mama sa gawi nito habang patuloy pa rin ang pag-alo sa akin.

"Mrs. Flores, maiwan ko po muna kayo," wika ng Doctor. Tumango lang si Mama bilang tugon. Narinig naming bumukas at sumara ang pinto ng kuwarto. Bahagya akong tumunghay at tiningnan si Mama.

"Anak, ano bang nangyari sa inyo ng asawa mo? Bakit kayo umabot sa ganito, huh?" tanong niya kasunod ang paghaplos ng buhok ko.

"Hindi ko alam kung bakit siya biglang nagkagano’n, Ma. Hindi naman siya gano’n no’ng umalis ako. Ang lambing-lambing niya pa nga sa akin, tapos no’ng umuwi na ako, biglang naging gano’n na siya," paliwanag ko sa pagitan ng hikbi. Kumunot ang noo ni Mama habang inaalo ako.

"Shh, tigil na, anak. Tahan na. Mamaya ka na magpaliwanag. Magpahinga ka muna. Makakasama iyan sa apo ko," sambit ni Mama na ikinakunot ng noo ko. Bumitaw ako sa yakap at tinitigan siya. She smiled at me softly.

"Oh my..." naluluhang sambit ko bago ako tumingin sa tiyan ko. Inilagay ko doon ang kamay ko at marahang hinaplos ang buhay na nasa loob niyon.

"I thought I was gonna lose you, anak."

"Muntikan na siyang mawala anak, mabuti na lang at nadala ka agad dito sa hospital. Nakita ka ng mga katulong doon sa kuwarto niyo ng asawa mo, wala kang malay tapos dinudugo ka pa. They called me after that. Hindi naman daw kasi nila alam kung nasaan na ang asawa mo. Umalis daw ito. Naiwan pa nga ang cellphone niya," sambit ni Mama.

Muling tumulo ang luha ko sa narinig.

"Pahupain mo muna ang araw na ito, anak. Gabi na rin at magpahinga ka muna. May bukas pa naman. Magpahinga ka na muna," payo niya sa akin.

Kinabukasan, tahimik akong kumakain ng mansanas habang kausap ko si Mama nang biglang pumasok ang isang nurse.

"Ma’am, excuse me po. May naghahanap po kasi sa inyo sa labas. Ashton Ardiente po ang pangalan. Papapasukin ko po ba?" tanong nito. Pakiramdam ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pangalang binanggit niya.

Alam ko na hindi pa kami tapos ng asawa ko sa pag-uusap namin nitong nakaraang araw kaya sobrang kinakabahan ako. Hindi ko rin alam kung paano magpaliwanag sa kaniya at kung paano ko mapipigilan ang gusto niyang mangyari na pakikipaghiwalay.

"Y-Yes," maikling tugon ni Mama. Napayuko na lang ako at ibinaba ang mansanas na hawak ko.

Ilang saglit lang, may dalawang lalaki na ang pumasok. Ang isa ay naka-navy suit at ang isa naman ay naka-dark suit. May dala silang briefcase na hindi ko alam kung para saan. Umangat ang tingin ko at natuon ang pansin ko sa naka-navy suit. Ang ocean blue nitong mga mata ay diretsong nakatingin sa akin. I can’t resist the eyes of that man who’s intently staring at me. Hanggang ngayon, ang lakas pa rin talaga ng dating ng asawa ko.

"Good day Mrs. Flores and Mrs. Sandra Flores Ardiente," nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang lalaking may dalang briefcase. Matanda na rin ito.

"Why are you here, Ashton?" tanong ni Mama.

"We’re here to talk about the divorce. I know, there’s no divorce in the Philippines since Sandra and I married here. But the only solution for this is the annulment. Right, attorney?" seryosong sambit ni Ashton na ikinagulat ko nang husto.

Nasaktan ako sa narinig ko. Talagang desidido na siya? Hindi man lang ba niya ako hahayaang magpaliwanag? Napangiti ako nang mapait.

"Yes. Annulment is the solution to divorce here," nakangiting paliwanag ng lawyer na kasama ni Ashton.

Napalunok ako. Alam ko ang tungkol sa mga bagay na ito, pero bakit kailangang umabot sa ganito? Pwede naman naming pag-usapan nang maayos.

"For divorce to be legally binding, it must be filed in court and accepted there. If this process is followed, both parties are free to remarry. In short, madugo ang process nito at masakit din lalo na kung ang isa sa inyo ay ayaw pang bumitaw," dagdag pa ng lawyer.

Umangat ang tingin ko at nahuli kong nakatingin sa akin si Ashton habang nakapamulsa. Bakat ang biceps nito sa posisyon niya.

"Ma, Sir, pwede bang pakiiwan muna kami ni Ashton? M-May... papag-usapan lang kami," kahit kinakabahan, pinilit kong ayusin ang pagsasalita ko. Hindi naman tumutol si Ashton.

Tumikhim muna ang lawyer bago ito naunang lumabas, kasunod si Mama. Nang kaming dalawa na lang ang naiwan, saka lang siya nagsalita.

"What do you want to talk about?"

Ilang segundo akong natulala. He is seriously staring at me.

"What do you want to talk about, Sandra?" ulit niyang tanong sa akin.

Napayuko ako. Dala na rin ng pagbubuntis ko ay naging mas emotional ako. Pinunasan ko ang ilang butil ng luha na lumandas sa pisngi ko bago ako tumingin sa kaniya para salubungin ang kaniyang mga mata.

"A-About us and the divorce," sagot ko. Hindi ko muna isinama ang tungkol sa baby namin kahit alam kong magtataka siya kung bakit ako dinugo.

"What about us? Malinaw na niloloko mo ako. At kung hindi pa dahil sa mail na iyon, hindi ko pa malalaman," madiing sagot ni Ashton na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.

"W-What? Anong mail, Ashton?" tanong ko sa kaniya. Naguguluhan ako.

"I don't need to answer your question, Sandra," seryosong sagot niya.

"Paano natin ito maayos kung ayaw mong sabihin?"

Ilang segundong hindi nakaimik si Ashton. Titig na titig lang ako sa kaniya hanggang sa naramdaman ko na naman ang pag-init ng mga mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilang mapahikbi.

"R-Really, Ashton? Maniniwala ka na lang basta-basta sa bagay na iyon? Tapos ako, hindi mo kayang paniwalaan. A-Ang babaw mo naman," lumuluhang sambit ko. "Paano naman ako? Sasayangin mo na lang ba 'yung ilang taong pinagsamahan natin para lang sa walang kuwentang iyon..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya ako.

"Hindi 'yon walang kuwenta lang. Hindi na rin kita kayang paniwalaan pa dahil sa ginawa mo sa akin. Hindi ko alam kung kailan mo pa iyon ginagawa sa akin pero isa lang ang malinaw sa akin, Sandra. Niloloko mo ako," bakas sa boses niya ang galit.

Tuminalikod na siya at akmang aalis na nang muli akong magsalita.

"Sasayangin mo na lang ba talaga 'yun? Gaano ba kahirap para sa'yo na marinig man lang 'yung side ko? C-Can you just let me explain?" humihikbi na ako matapos sabihin iyon.

Naiyukom niya ang kaniyang kamao.

"Just shut up, will you? Malaki ang tiwala ko sa'yo noon pero sinayang mo lang. Isa pa, if you don't want to come in court, find a better lawyer," he hissed, then walked away.

Naiwan akong mag-isa sa loob ng kuwarto na humahagulgol. Napatingala ako habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Ang akala ko ay sa mga kuwento o palabas lang nangyayari ang ganitong sitwasyon, pero mali pala ako.

Iiwan na ako ng asawa ko...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Wife's Cry   Chapter 4

    Hapon na naman at wala akong ibang ginawa sa bahay na ito kundi ang magmukmok. Iniwasan ko na rin ang masyadong magkilos-kilos dahil nangangalay na ang katawan ko, malapit na rin kasi akong manganak.Tiningnan ko ang malaking tyan ko. I smiled and gently caressed my tummy, feeling the life inside me."Ma'am, ito na po yung mansanas."Nilingon ko ulit si Manang Luz at kinuha sa ginang ang mansanas na binalatan nito."Ma'am, hanggang ngayon ba naglilihi ka pa rin?" natatawang tanong ng kasambahay sa akin."Hindi ko nga alam, Manang. Basta gusto ko lang na ganito yung mansanas, walang balat," tumigil ako saglit sa pagsasalita nang may sumagi bigla sa isipan ko.Parang may gusto akong tikman.Hinarap ko si Manang. "Pwede po bang pakilutuan ako ng chicken curry? I'm craving for that. So badly," nakangusong pakiusap ko sa kaniya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng ginang. I know she can't resist me."O sige po Ma'am. Hintayin n'yo nalang po. Atsaka, baka si Madam mamaya-may

  • A Wife's Cry   Chapter 3

    Pangatlong araw na naming nandito sa Hospital dahil sa balitang iyon na hindi naman namin alam kung sino ang nagpakalat. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyaring usapan namin ni Ashton."Anak, umiiyak ka na naman," puna ni Mama. Napatingin ako sa kanya bago ko dahan-dahang hinawakan ang aking pisngi. May luha na naman nga. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya."A-Ayos lang ako, Ma," sagot ko. Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap."I know you're not anak," sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.Doon na bumigay ang boses ko. "B-Bakit kasi gano'n Ma, e. Ang... hirap-hirap. Hindi niya man lang ako hinayaang magpaliwanag," muli akong nagsimulang humagulgol."You're crying to ease the pain pero h'wag naman sumobra, okay? Hindi naman natin alam kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya kaya gano'n nalang siguro ang naging reaksiyon niya. But still, mali pa rin iyon. Tahan na Sandra," ani ng ginang. Alam na rin ni Mama kung anong nangyari at bakit bigla

  • A Wife's Cry   Chapter 2

    "Sandra, anak..."Dahan-dahan akong bumangon nang biglang may humawak sa braso ko. Agad kong tiningnan kung sino iyon. Parang nanlambot ang buong katawan ko nang makita ko ang aking ina. Halatang galing siya sa pag-iyak dahil sa pamumula ng kaniyang mga mata. Inalalayan niya akong makaupo bago niya ako niyakap nang mahigpit.Kusa namang tumulo ang mga luha ko. Hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon na tila gripo. Hinahaplos ni Mama ang likod ko para patahanin ako.Narinig naming tumikhim ang Doctor kaya lumingon si Mama sa gawi nito habang patuloy pa rin ang pag-alo sa akin."Mrs. Flores, maiwan ko po muna kayo," wika ng Doctor. Tumango lang si Mama bilang tugon. Narinig naming bumukas at sumara ang pinto ng kuwarto. Bahagya akong tumunghay at tiningnan si Mama."Anak, ano bang nangyari sa inyo ng asawa mo? Bakit kayo umabot sa ganito, huh?" tanong niya kasunod ang paghaplos ng buhok ko."Hindi ko alam kung bakit siya biglang nagkagano’n, Ma. Hindi naman siya gano’n no’ng umali

  • A Wife's Cry   Chapter 1

    Bumungad sa akin ang magulong loob ng kuwarto namin. Basag-basag ang mga babasaging gamit at nagkalat ang matatalim na bubog sa sahig. There are also a few bottles of wine scattered on the floor. Ang iba ay nakatumba at ang iba naman ay basag na rin. Sobrang gulo at kalat, tila dinaanan ng isang malakas na bagyo ang silid na dati ay payapa.Anong nangyari? Bakit ganito?Dumako ang tingin ko sa kama namin. I saw my husband, Ashton, sitting there looking at me with his bloodshot eyes. Punong-puno ng sakit at galit ang kaniyang tingin.Ano ba’ng nangyari?Lumakad ako papasok, dahan-dahan ang bawat hakbang dahil sa takot. Napansin ko ang dugo sa kanang kamao niyang nakakuyom. Tumingin ulit ako sa kaniya. I was about to approach him but he stood up and turn his back on me. Nagtaka ako dahil sa malamig na inasal niya."Ashton..." Lumapit ako sa kaniya, sinusubukang abutin ang balikat niya."Stay away from me, Sandra," madiing wika niya at lumakad palayo sakin. He went to the cabinet and too

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status